^

PSN Showbiz

Lovi at Alessandra pagpapasa-pasahan si Gabby

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kilala na si Gabby Eigenmann sa kanyang pagganap sa mga character na talaga namang tumatatak sa utak ng mga manonood — at muli na naman siyang magpapamalas ng galing sa pag-arte when he takes on the role of a psychotic husband.

Ngayong Sabado sa Magpakailanman, sasamahan si Gabby nina Lovi Poe at Alessandra de Rossi na gaganap naman bilang kanyang mga asawa.

Lovi has shown growth over the years sa kanyang pag-evolve from teenybopper roles to being an award-winning actress. At pagkatapos maging matapang at matatag sa pagtatapos ng Akin Pa Rin ang Bukas, muling magpapakitang gilas si Lovi bilang babaeng pilit iniintindi ang asawa, without regard sa sariling kapakanan.

Habang si Alessandra naman ang gaganap bilang u­nang asawa, na siyang su­su­ku­­an ang kanyang kasal nang ma­­lagay sa panganib ang kanyang mga anak. Fresh from playing an unconventional villain turned good guy in Magkano ba ang Pag-ibig, may bagong Alessandra na namang matutunghayan ang mga manonood bilang isang ina.

Ang kuwentong My Psychotic Husband ay pinangungunahan nina Gabby, Alessandra, at Lovi.

Mula sa direksiyon ni Maryo J. delos Reyes, sa panulat ni Aloy Adlawan at sa pananaliksik nina Karen Lustica at Stanley Pabilona, huwag palagpasin ang Magpakailanman ngayong Sabado ng gabi pagkatapos ng Vampire ang Daddy Ko sa GMA 7.

vuukle comment

AKIN PA RIN

ALESSANDRA

ALOY ADLAWAN

DADDY KO

GABBY EIGENMANN

KAREN LUSTICA

LOVI

LOVI POE

MAGPAKAILANMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with