^

PSN Showbiz

Kaye nakakaramdam na ng takot sa pag-aasawa

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Tatlong taon ding nakarelasyon ni Kaye Abad si Guji Lorenzana. Ayon sa aktres, mayroon daw mga bagay na hindi talaga maiiwasan kaya sila nagkahiwalay.

“Some things just don’t work. Gano’n talaga eh, trial and error. Nagkataon lang siguro na error na naman ngayon. May mga hindi lang talaga nagwo-work,” bungad ni Kaye.

Nasasaktan pa rin daw ngayon ang dalaga sa tuwing maaalala si Guji. “Kasi napamahal sa ’yo ’yung tao, nasanay ka na kasama mo siya sa gano’n katagal. Pero kailangan ko isipin ’yung brighter side o ’yung mas importanteng side na para sa aming dalawa rin naman ’yon, na para sa future rin namin,” paliwanag ni Kaye. Naging masugid daw na manliligaw noon si Guji nung kahihiwalay pa lamang noon ni Kaye kay Chito Miranda.

“I told him hindi pa ako ready. Naging masugid siya, naghintay siya, ’tapos sabi ko, ‘Nasa sa iyo iyan kung gusto mo gumib-up o kung gusto mo maghintay. Naghintay siya hanggang sa naging gradual na lang eh, na parang after a year, parang gano’n na rin naman. Wala kaming anniversary. Ganoon ka-gradual ’yung nangyari, na parang understood na lang na, ‘O, siguro nga tayo na,’” k­uwento ng aktres.

Hindi pa raw nakahanda na muling makipagrelasyon si Kaye at hindi pa rin sumasagi sa kanyang isip ang kasal.

“Hindi pa rin naman ako handa. Hindi ko pa nararamdaman na kailangan ko na mag-settle down. Ngayon medyo natatakot. Ngayon ko nararamdaman ’yung takot na siguro hindi na muna,” pagtatapos ng dalaga.

Jake natuto na sa mga mali kay Lovi

Masaya raw si Jake Cuenca para sa sinasabing espesyal daw noon sa kanyang puso na si Lovi Poe. Si Rocco Nacino na raw ngayon ang kare­lasyon ng aktres.

“That’s good. I’m happy for them. Basta masaya ako sa kanila and best wishes,” nakangiting paha­yag ni Jake. Hindi itinanggi ng aktor na niligawan din niya noon si Lovi pero it didn’t work out daw.

“That’s it. Kumbaga, ayoko na lang isipin na mas malayo. It just didn’t work out,” pag-amin ni Jake. Kamakailan ay napabalitang nagkaroon ng away sa pagitan ng aktor at Rocco dahil kay Lovi pero ayon kay Jake ay magkasundo na sila nga­yon.

“I’m friendly with him. Lalaki pa rin kaming dalawa. Kailangang maging civil,” giit ng binata.

Sino nga ba ang bagong babae na nagpapatibok sa puso ni Jake ngayon? “I’m dating around but I’m not dating anyone exclusively, meaning friends. I like to hangout with them. Natutunan ko na mga pagkakamali ko noon,” pagbabahagi ng aktor. Reports from JAMES C. CANTOS

                 

 

vuukle comment

CHITO MIRANDA

GUJI

GUJI LORENZANA

JAKE CUENCA

KAYE ABAD

LOVI

LOVI POE

NGAYON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with