^

PSN Showbiz

JC doble-doble ang serye

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Napakasuwerte naman ni Meg Imperial. Matapos itong magkontrabida sa nagtapos na Galema: Anak ni Zuma na pinagbidahan ni Andi Eigenmann at Matteo Guidicelli, siya naman ang bida ng seryeng makakapalit ng Galema…, ang Moon of Desire kung saan niya kasama sina JC de Vera, Dominic Roque, at baguhang si Miko Raval. Ang president ng ABS-CBN mismo na si Charo Santos-Concio ang pumili kay Meg para magbida at i-launch sa Moon of Desire afternoon TV series.

Samantala, napakasuwerte rin ng ba­gong Kapa­milya actor na si JC de Vera dahil dala-dalawang serye kaagad ang ipinagkatiwala sa kanya, ang The Legal Wife with Angel Locsin at Jericho Rosales at ito ngang bagong, ang Moon of Desire.

Nalibot na JC ang tatlong major TV net­works. Nagsimula siya sa pagiging Ka­puso, then sa pagiging Kapatid at nga­yon ay isa na siyang Kapamilya. 

Andi walang kaartehan

Masuwerte si Andi Eigenmann dahil tanggap siya ng mga manonood na gumaganap sa mga bida at kontrabida roles.  Siya ang title roler sa Agua Bendita at nagtapos na Galema: Anak ni Zuma.  Pero all out kontrabida naman siya sa Kapag Pu­so’y Sinugatan na tinampukan din nina Iza Calza­do, Gabby Concepcion, at Jake Cuenca. Kontrabida rin ang kanyang papel na ginagampa­nan sa bagong simulang Dyesebel na pinagbibidahan ni Anne Curtis with Gerald Anderson at Sam Milby kasama sina Dawn Zulueta, AiAi de las Alas, Zsa Zsa Padilla, Gabby Concepcion, at marami pang iba na pinamahalaan nina Don Cuaresma at Francis Pasion.

Hindi issue kay Andi kung guma­ganap man siyang kon­trabida sa ibang female leads considering na nagbibida na rin siya sa iba niyang teleserye. 

Zsa Zsa at Albert hindi nababakante

Sina Zsa Zsa Padilla at Albert Martinez ay mag-asawa sa nagtapos na Juan de la Cruz na pi­­nag­bidahan ni Coco Martin.  Magkasama rin sila sa Dyesebel. Parehong hindi nawawalan ng TV pro­­jects sina Albert at Zsa Zsa sa bakuran ng ABS-CBN.

Sa rami ng mga tumatakbong serye ng Kapamil­ya network, karamihan sa kanilang mga contract stars ay hindi nawawalan ng trabaho.

vuukle comment

AGUA BENDITA

ALBERT MARTINEZ

ANDI EIGENMANN

GABBY CONCEPCION

GALEMA

MOON OF DESIRE

SHY

ZSA

ZSA ZSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with