^

PSN Showbiz

Kris pinapaboran ng fans kay Gov. Abet!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nilinaw ni Kris Aquino sa kanyang fans na hindi niya boyfriend si Gary Garcia dahil mula nang i-post niya ang picture nito sa kanyang Instagram (IG) account, inakala ng fans na BF niya ang lalaki. Sabi ng TV host-actress, true friend lang niya si Gary na based sa Los Angeles, California.

   Pero nang i-post ni Kris ang picture nila ni Bataan Gov. Abet Garcia, marami ang kinilig at nag-wish na ang governor na ang sinasabing inspiration at nagpapasaya sa TV host-actress. Halos hindi mapansin ng fans na kasama sa picture si Sen. Sonny Angara at isa pang kasama sa opening ng Herve Leger sa Shangri-la Plaza East Wing, Mandaluyong City.

  As of Tuesday night, may 176 comments na ang post ni Kris at majority ay pabor kung si Gov. Abet ang bagong iibigin. In fairness, wala pang pagtanggi si Kris na hindi niya boyfriend ang governor.

Samantala, aalis for Hong Kong si Kris sa Saturday kasama ang mga anak na sina Joshua, Bimby, Liz Uy, at staff ng Kris TV para roon mag-brainstor­ming para sa kanyang morning show. Sa Monday na ang balik ng grupo.

Polo maning-mani na kung makipaglaplapan sa lalaki

  Sina Polo Ravales at Mhyco Aquino ang bida sa entry ni director Jay Altarejos sa entry niya sa Director’s Showcase sa 2014 Cinemalaya entitled Kasal. Gagampanan ng dalawang aktor ang role ng gay couple na ita-tackle sa movie kung magpapa­kasal ba o hindi.

May picture na nina Polo at Mhyco sa Facebook at may ia-announce raw ang dalawa at kahit wala pang sinasabi, marami na ang nakakaalam na para sa pelikula ito ni Direk Jay.

Kung hindi kami nagkakamali, first movie ito ni Polo sa Cinemalaya at hindi ito ang first time niyang gumanap na bading sa pelikula dahil na­ging bading na rin siya sa Regal Entertainment, Inc. movie na Manay Po. Ibig sabihin, hindi na siya ma­aala­ngan magkaroon man sila ng kissing scene ni Mhyco.

Nang makausap si Polo sa presscon ng Kam­bal Sirena, na­banggit na gusto niyang muling gumawa ng pe­likula’t nami-miss na niyang mag-shooting. Natupad ang wish ng aktor dahil heto’t may movie na siya at pang-Cinemalaya pa at sa tema ng movie, tiyak na magiging controversial movie sa Cinemalaya.

Speaking of Kambal Sirena, lumabas na ang ka­rak­ter ni Polo bilang si Ataba sa second night airing. Bida na naging kontrabida ang role niya sa sirena-sery­e ng GMA 7 na nagpabalik sa kanya sa primetime slot.

Kristoffer pinaghubad ni Bb. Joyce

Madi-disappoint ang fans nina Kristoffer Martin at Joyce Ching na ang wish ay magkabalikan ang dalawa dahil sa sinabi ng aktor na kung magdyi-GF siya uli, gusto niya ay non-showbiz na. Si Joyce na raw ang last showbiz girlfriend niya, kung bakit, hindi na ito nag-elaborate.

After sabihin ito ni Kristoffer, nakita namin sila ni Joyce na nag-uusap ng masinsinan habang lunch break sa taping ng pinagsasamahan nilang Paraiso Ko’y Ikaw. Sabi tuloy namin sa sarili, parang hindi mapapanindigan ng aktor ang binanggit na wala nang balikan sa kanila ni Joyce at ito na ang last showbiz GF niya.

Anyway, ibibigay ni Direk Joyce Bernal ang request ng viewers ng Paraiso Ko’y Ikaw na bigyan ng eksena si Kristoffer na naka-swimming trunks at ipakitang topless dahil may eksenang ganito ang aktor. Kunwari’y magiging model siya at rarampang ’yun ang suot.

Kinakabahan si Kristoffer dahil hindi pa raw ma­ganda ang katawan niya’t hindi siya nakakapag-workout pero kailangan niyang gawin dahil kaila­ngan sa story.

Raymond mahihirapang pagsarhan ng pinto si Annabelle kapag nagbunganga

Pinoste ni Raymond Gutierrez sa Instagram (IG) ang promo shoot na ginawa nila ni Richard Gutierrez sa Singapore para sa reality show nilang It Takes Gutz to be a Gutierrez.

Hindi lang pala sila pumirma ng kontrata nang pumunta sa Singapore three weeks ago, nag-shoot din sila para sa promo ng reality show na inaaba­ngan na pati ng nasa ibang bansa.

Ang cute ng reaction ng isang non-Filipino fan nang makita ang picture nina Raymond at Richard dahil ang tawag sa huli ay “the Filipino actor I saw on Philippine TV.”

Sa presscon nang i-announce na sa E! Channel ipalalabas ang It Takes Gutz to be a Gutierrez, nabanggit ni Raymond na habang nasa cruise sila, mahihirapan siyang mag-walkout o magsara ng pinto ng kanyang room ’pag nagalit na si Annabelle Rama.

“We will be stuck with each other,” wika nito na ikinatawa ng ina.

vuukle comment

ABET GARCIA

CINEMALAYA

IT TAKES GUTZ

KRISTOFFER

NIYA

PARAISO KO

RAYMOND

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with