^

PSN Showbiz

Serena Dalrymple napaboran sa piniling buhay

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Kasalukuyan palang nasa London, England taking up her masters sa Inter­national Business School of London ang dating child star na si Serena Dalrymple na unang napansin sa kanyang Jollibee chicken joy TV commercial with Aga Muhlach? Ang isa sa classic movies na ginawa noon ni Serena ay ang Bata, Bata… Paano Ka Ginawa? na pinagbidahan ng Star for All Seasons turned politician na si Vilma Santos kung saan siya umani ng iba’t ibang awards. At that time ay seven years old pa lamang si Serena.

Serena was still active bilang child star nang magkasunod na sumakabilang-buhay ang kanyang mga magulang leaving her and two older sisters sa panga­ngalaga ng kanilang tiyahin.

Since isang US military officer ang kanilang namayapang amang si Robert Lloyd, ang US Embassy ang sumagot sa tuition fees and allowances ng magkakapatid.

At 23 turning 24 on Sept. 7, da­lagang-dalaga na si Serena who is now spor­ting a long hair.

After taking up her masters, hindi pa alam ng dating child star kung sa Amerika o England siya mamamalagi.

Richard at Rep. Lucy aligaga na makabuo ng 6,200 bangka

Dumalo ang mag-asawang Ri­chard Gomez at Rep. Lucy Torres-Gomez at ang kaisa-isa nilang anak na si Juliana sa formal launch ng G6200 Mission Possible ng Bench na ginanap sa acti­vity center sa bagong bukas na Fairview Terraces Mall sa Quezon City last Sunday evening na may ki­nalaman sa pangkabuhayang project ng Bench sa pakikipagtulungan ng kinatawan ng ika-apat na distrito ng Leyte na si Rep. Lucy. Gusto ni Cong. Lucy na makabuo ng 6,200 bancas para ipamahagi sa mga ma­ngingisda ng Ormoc na sinalanta at nawalan ng mga mahal sa buhay at kabuhayan sanhi ng bagyong Yolanda.

 

vuukle comment

AGA MUHLACH

ALL SEASONS

BATA

BUSINESS SCHOOL OF LONDON

FAIRVIEW TERRACES MALL

LUCY TORRES-GOMEZ

MISSION POSSIBLE

PAANO KA GINAWA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with