^

PSN Showbiz

Noel Cabangon at Bayang Barrios nagtayo ng sariling kainan na puwedeng kantahan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Karaniwang may mga maliliit na pondahang makikita sa mga kanto at kalyeng matao. Kinagi­giliwan at pinipilahan ang mga ihaw-ihaw at pritong pagkain dito.

Sa Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT) ngayong Sabado alas-nuwebe hanggang alas-diyes ng umaga’y samahan si Mader Ricky Reyes sa pagtikim ng kwek-kwek, banana at kamote cue, adidas, tsitsarong balat ng manok, puwet, at isaw. Ano nga ba ang mga ito?

“Sa pagdami ng mga ihaw-ihaw sa kalye ay minsan pang napatunayan na ang mga Pinoy pagda­ting sa paghahanap ng ikabubuhay ay matiyaga, maparaan, at matalino,” say ni Mader.

Aalamin natin kina Bayang Barrios at Noel Cabangon ang pagtatayo ng sariling kainan kung saan sila at ibang kapwa OPM singers ay umaawit para sa mga kumakain.

Kung pangarap naman ninyong magtayo ng maliit na negosyo o magtrabaho sa ibang bansa, tutok lang dahil ipapaliwanag ng mga guro ng Ricky Reyes Learning Institute ang mga short course na magamit ninyo para matupad ang mga pangarap tulad ng Cosmetology, Hotel and Restaurant Services.

Dadalhin naman kayo ng GRR TNT sa Sheridan Resort sa Palawan na angkop na bakasyunan para sa mga turistang local at banyaga. Sasampolan ni Mader ang malinis, moderno, at magagandang bahagi ng hotel, mga katakam-takam na pagkain at hospitality ng management, staff at crew. Isa itong paraiso para sa lahat.

 

vuukle comment

BAYANG BARRIOS

HOTEL AND RESTAURANT SERVICES

MADER

MADER RICKY REYES

NOEL CABANGON

RICKY REYES LEARNING INSTITUTE

SA GANDANG RICKY REYES TODO NA TOH

SHERIDAN RESORT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with