^

PSN Showbiz

Nagtago lang, Matteo naispatang nanood ng concert ni Sarah sa VIP lounge

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Gaano kaya katotoo ang balitang nanood umano ang althle­te turned actor na si Matteo Gui­dicelli sa repeat concert ng kanyang rumored girlfriend, ang Pop Princess na si Sarah Geronimo na ginanap sa SM Mall of Asia Arena last Nov. 30? May nakakita sa aktor na nakapuwesto sa VIP lounge ng Arena at late umano ito du­mating sa nasabing venue. Hindi namataan si Matteo last Nov. 15 sa unang Perfect 10 concert sa Smart Araneta Coliseum pero nagpunta naman ito sa Arena sa repeat.

Kung tutuusin, confirmation na lamang mula kina Sa­rah at Matteo ang kailangan dahil matagal na rin namang napapabalita na sila na ngayon. Ang ironic lamang dito, si Matteo ay dating nobyo ng aktres na si Maja Salvador na ang boyfriend naman ngayon na si Gerald Anderson ay na-link kay Sarah. Of course, before Sarah and Maja, si Gerald ay naging nobyo ni Kim Chiu na dating best friend ni Maja.

Dahil maliit lang naman ang mundong kanilang ginagalawan, sila-sila rin ang nagpapalitan ng partners.

Luis at KC gustong magkatuluyan ng fans

Loveless ngayon ang binata ng estranged couple na sina Batangas Gov. Vilma Santos-Recto at Edu Man­zano na si Luis Manzano matapos silang maghiwalay ng girlfriend of almost two years na si Jennylyn Mercado. Loveless din si KC Concepcion although aminado itong lumalabas sila ng binatang-amang aktor at ex-boyfriend ni LJ Reyes na si Paulo Avelino.

Kung ang fans nina Luis at KC ang masusunod, gusto nila na sila na ang magkatuluyan dahil bukod sa bagay silang dalawa, pareho silang nagmula sa showbiz royalty.

Phoemela at iba pang mga kaibigan, tinapos na ang isyu kay Anne

Hindi nagtaka ang maraming nakapanood ng statement ng model turned actress na si Phoemela Baranda kung bakit favorable kay Anne Curtis ang kanyang binitawang salita pagkatapos ng controversial slapping incident sa isang pribadong luxury club sa Bonifacio Global City sa Taguig City last Nov. 23. Bukod sa personal nang nag-apologize sa kanya si Anne, “magkapatid” sila sa bakuran ng Viva Entertainment.

Malamang daw na pinatahimik na lamang si Phoem para hindi na lumala pa nang husto ang issue.

Quiet din ang kampo ng Star Magic ng ABS-CBN dahil contract star nila si John Lloyd Cruz at contract star din ng ABS-CBN si Anne.

For sure, pinagbawalan din ang nobya ni John Lloyd na si Angelica Panganiban (ano­ther Star Magic talent) na mag-comment in defense of her boyfriend. Hindi rin nagbigay ng statement ang isa sa may-ari ng luxury club na pinangyarihan ng gulo, ang celebrity-businessman na si JM Rodriguez.

Sa statement na binitawan ni Phoem sa TV Patrol, pinagmukha naman niyang sinungaling ang Circuit Magazine editor-publisher na si JR Isac, kapatid ng sikat na celebrity photographer na si Raymond Isaac. Kung tutuusin, there were other people present nung gabing mangyari ang pananampal ni Anne. 

Maging ang telecom executive na si Leah de Guzman na isa sa tatlong nasampal ni Anne ay ayaw ding magbigay ng comment na may kinalaman sa insidente.

Jodi nakipagbati na kay Iwa, pinadalhan ng breastfeeding book

Kung nagpatutsadahan noon sina Jodi Sta. Maria at StarStruck alumna na si Iwa Motto, ngayon ay burado na ang gap ng dalawa na parehong may connection kay Pampi Lacson, anak ni dating Sen. Panfilo Lacson. Si Pampi ay ex-husband ni Jodi at meron silang isang anak, si Thirdy na turning eight years old on Dec. 23. Si Iwa naman ang kasalukuyang partner ni Pampi at meron na rin silang isang anak, ang three-month-old na si Hiromi Aiko Eve. Si Jodi naman ay may Jolo Revilla, ang vice governor ng Cavite at anak nina Sen. Bong at Rep. Lani Mercado-Revilla (Bautista).

Since pareho na silang nakapag-move on at masaya sa kanilang new res­­pective partners at buhay ngayon, si Jodi ang nag-initiate ng pakikipagbati kay Iwa nang ito’y kanyang padalhan ng libro tungkol sa breastfeeding. Pinasalamatan naman ni Iwa si Jodi at naging textmates na silang dalawa.

Naisip marahil nina Jodi at Iwa na ka­ila­ngan nilang maging okay alang-alang sa ka­ni­lang mga anak. Very close si Thirdy sa kanyang ama at baby sister naman niya si Hiromi.

Ngayong okay na sina Jodi at Iwa, tiyak na hindi na mag-iiwasan ang dalawa magkita man sila kahit sa darating na birthday party ni Thirdy. Kung nagkaayos na sina Jodi at Iwa, wala naman sigurong dahilan para mag-iwasan sina Pampi at Vice Gov. Jolo. Magkita-kita nga kaya ang apat sa birthday ni Thirdy? For sure, ang ex-couple na sina Jodi at Pampi ang magkatuwang sa pagho-host ng party ng kanilang anak na paboritong apo ni dating Sen. Lacson.

 

 

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

IWA

JODI

MATTEO

NAMAN

PAMPI

SHY

STAR MAGIC

THIRDY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with