^

PSN Showbiz

Mommy D ni-reject ang mga offer na TV guestings, Rocco walang kinikilalang santo

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Maganda ang feedback sa bagong game show ng GMA 7 na Picture! Picture! ni Ryan Agon­cillo. Mamayang gabi ay mas kuwela ang laba­nan nina Andre Paras, Francine Garcia, Glaiza de Castro, at Julie Anne San Jose.

PAK: Trabaho lang para kay Rocco Nacino ang pagganap bilang San Pedro Calungsod na entry ng HPI Productions.

Malaking challenge sa kanya na gampanan ang bagong cano­nized na Filipino saint pero hindi raw niya ito dinadasalan dahil isa siyang Born Again Christian at wala kasi silang pinapaniwalaan o dinadakilang santo. Ito raw ay trabaho lang at hindi na pinipersonal.

“It comes with the job at ’yan ang sinasabing challenge, lalo na para sa akin, fulfillment ito. Trabaho lang ito. Walang personalan,” sabi ng Kapuso actor.

Bilang isang Born Again Christian, ang Diyos lang daw ang dinadasalan niya at hindi sa isang santo. Pero nagpapasalamat daw siya kay San Pedro Calungsod na sa kanya naibigay ang naturang pelikula.

Naniniwala naman daw si Rocco na sa tulong ng se­cond Filipino saint, magiging maganda ang kalalabasan ng kanilang pelikula at lalaban ito sa mga naglalakihang pelikulang makakatapat nila sa nalalapit na Metro Manila Film Festival.

BOOM: Dahil sa pagtatalak ni Mommy Dionisia sa isyu ni Manny Pacquiao, dumami na naman ang alok nitong TV guestings para magsalita at talakan ang government tax agency.

May ilang programang willing paliparin si Mommy Dionisia ng Maynila para lamang mag-guest sa kanila pero tinanggihan niya ito lahat.

Ayaw daw niyang umalis ng General Santos City dahil sa rami raw ng ginagawa niya. Puno raw ang schedule niya sa buong buwan ng December kaya hindi siya puwedeng umalis.           

Tinanong namin kung ano ang pinagkakaabalahan nito, hindi na kami sinagot. Basta busy daw siya at hindi raw maisingit sa schedule ang mga TV guesting.

vuukle comment

ANDRE PARAS

BORN AGAIN CHRISTIAN

FRANCINE GARCIA

GENERAL SANTOS CITY

JULIE ANNE SAN JOSE

MOMMY DIONISIA

SAN PEDRO CALUNGSOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with