^

PSN Showbiz

Lovi ayaw na ayaw nang makasama si Jake

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

May cameo si Lovi Poe sa Status: It’s Complicated bilang neighbor ni Jerry (Paulo Avelino) at magiging last involvement bago mag-ending ang movie. Sabi ng manager ng aktres na si Leo Dominguez, pinakiusapan ni Direk Chris Martinez si Lovi na mag-guest sa movie at hindi nito natanggihan ang direktor.

Sabi namin kay Leo, mas bongga sana kung sina Lovi at Jake Cuenca ang last frame. Sagot ni Leo, baka hindi pu­mayag si Lovi. Hindi maganda ang ending ng “exclusively dating” relationship ng dalawa at never nilang inamin, si Jake na lang ang umamin sa presscon ng movie. Wala pang reaction si Lovi.

Nabanggit naman ni Direk Chris na kombinasyon ng old mo­vie, at may dinagdag silang mga ba­gong eksena, ang Status: It’s Com­plicated pero ni-retain niya ang tone at rhythm ng Salawahan bilang tribute sa direktor nitong si Ishmael Bernal.

Sa Nov. 6 ang showing ng Regal Entertainment, Inc. movie na kabilang sa nagustuhan namin ang dialogue at sa hindi gasgas na location.

Dennis nabobo kay Direk Brillante

Aminado si Dennis Trillo na medyo nabobo siya nang idirek ni Brillante Mendoza sa horror movie na Sapi. Nahirapan siya dahil improvisation lahat ang ginawa nila nina Meryll Soriano at Baron Geisler dahil wala silang script.

Kahit nahirapan sa sistema ni Direk Brillante, gusto pa rin ni Dennis na muli itong makatrabaho. Sa Nov. 6 din, ang showing ng movie.

Busy ang November ni Dennis simula kahapon sa mall show nila ni Tom Rodriguez ng kanilang TomDen album under GMA Films.

Nabanggit din ni Dennis na may pictorial siya for Hanford at pumayag siyang magsuot ng underwear. Hindi pa man nangyayari, kinikilig na ang fans nito. Kaya lang, tila may pagba­bago and this Monday malalaman kung tuloy ang first time na pagpapaka-daring ng aktor.   

Naka-schedule rin silang mag-shoot ng music video ng Forever, carrier single ng album nila at tig-isang solo music video for their Tagalog songs. Nakuwento ng bossing ng GMA Records na 12 songs sana ang CD ng dalawa. Hindi lang aabot sa nakaraang My Husband’s Lover concert kaya eight tracks na lang ang album.   

Samantala, sa tanong kung alin ang mas matutuloy sa movie version ng MHL o Book 2 ng beki serye, mas pabor si Dennis na prequel ang gawin at ituloy sa Book 2. Maganda kung ipakikita pa kung saan nagsimula ang love story nina Vincent (Tom) at Eric (Dennis).

Barbie pasok sa movie nina Bimby at Ryzza Mae

Kasama si Barbie Forteza sa cast ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na My Little Bossings sa role ng isang tenant ni Vic Sotto. Si Barbie lang yata sa teen stars ng GMA Network ang may movie sa darating na film festival.

Inasar lang si Barbie ng friend niyang si Derrick Monasterio nang mag-post ng picture sa Instagram (IG) ang young actress kasama si Bimby. Magkaedad daw sina Barbie at Bimby. ’Kaloka!

 

vuukle comment

BARBIE

BARBIE FORTEZA

BARON GEISLER

BIMBY

BRILLANTE MENDOZA

DIREK BRILLANTE

LOVI

MOVIE

SA NOV

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with