^

PSN Showbiz

Regine bad mood nang tumanggap ng award!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Maganda pa rin ang rendition ni Kuh Ledesma sa nakaraang My Husband’s Lover concert sa Smart Araneta Coliseum ng awiting Huwag Kang Mangako na theme song sa Akin Pa Rin ang Bukas ni Lovi Poe.           

Si Kuh naman kasi ang original na kumanta kaya hindi maiwasang naikukumpara sa bagong version ni Lovi.

PAK: Mahigit isang oras na overtime ang farewell episode ng Wowowillie nung nakaraang Sabado.

Pinagbigyan ang mga pag-i-emote kaya may na-preempt tuloy na isang show at nagka-delay-delay na ang mga kasunod na programa.

Mataas naman ang rating nito, na nakipaglaban sa UAAP finals na nasa ABS-CBN naman. Nakipaglaban din nang pukpukan sa ratings ang Startalk.

Dahil siguro sa bagyo, hindi na lumabas ang mga tao at tumutok na lang sila sa TV nung araw na ’yun kaya napakataas ng viewership ng tatlong istasyon.

BOOM: Ngayong araw na nga ba pormal na pipir­ma si Regine Velasquez sa GMA 7?

’Yun ang narinig namin, gaganapin daw sa Manila Golf and Country Club sa Makati City. Ayaw naman kasing pangunahan pa ng Asia’s Songbird ang GMA 7.

Dagdag na karangalan sa kanya ay ang pagkapanalo bilang female concert performer of the year sa nakaraang Star Awards for Music na ginanap sa Solaire Resort & Casino nung isang gabi.

Marami nga ang nakapansin nasa bad mood daw si Regine nung gabing iyon pero emotional naman siya nang tinanggap ang naturang award.

Maaring nag-aalala lang ang singer-actress sa kalagayan ngayon ni Mang Gerry na nasa hospital pa rin hanggang ngayon.

 

 

vuukle comment

AKIN PA RIN

HUWAG KANG MANGAKO

KUH LEDESMA

LOVI POE

MAKATI CITY

MANG GERRY

MANILA GOLF AND COUNTRY CLUB

MY HUSBAND

REGINE VELASQUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with