^

PSN Showbiz

Actress magaling ang tingin sa sarili, desisyon ng manager sinusuway

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sobrang pasaway pala ang isang actress sa kanyang manager. Actually, hindi na raw masyadong nakikialam ang manager sa actress dahil may sarili nga itong diskarte sa career niya. Kaya ang ginagawa ng beteranong manager ng actress, dedma na lang. Kung anong gusto ng alaga, hinahayaan na lang niya. Wala rin naman daw silbi kahit pa mag-decide si manager dahil in the end ang actress pa rin ang nasusunod.

Kung sabagay hindi ito ang unang pagkakataon na may narinig akong reklamo sa ugali ng actress. Malakas daw ang dating nito at parang alam ang lahat ng mga bagay-bagay kaya ayan, nagkakanda-windang windang ang direksiyon ng career.

Sharon ‘pinaglaruan’ ang sarili

Kakaibang Sharon Cuneta ang mapapanood sa kanyang kauna-unahang serye sa TV5 na Madam Chairman dahil pumayag siyang ‘paglaruan.’

Yup, hindi siya magda-drama, mang-aaliw siya ng mga manonood. Ito ang unang pagkakataon na gagawin ni Sharon ang ganitong konsepto ng serye.

Makikilala siya rito bilang chairman ng barangay na parang ang hirap isipin noong una. Pero ginawa ni Mega. “You’ve never seen me like this and I’m so happy that I did it with TV5. My funny side is shown on TV and I’m blessed to have a good director like Direk Joel and good co-stars,” sabi ni Mega.

At kinarir niya ang nasabing role dahil pumunta pa siya sa isang barangay para ma-feel kung paano talaga maging barangay chairman.

Gaganap si Megastar bilang Elizabeth “Bebeth” de Guzman, isang mapagmahal na asawa at mabuting ina sa kanyang mga anak na sa kalaunan ay magiging Madam Chairman, hindi lamang ng kanilang tahanan kundi pati na rin ng buong Barangay Sta. Clara.

Magsisilbi namang TV comeback ni Ciara Sotto ang pagganap bilang Jingle, ang matalik na kaibigan ni Madam Chairman. Sa direksiyon ito ng tinitingalang direktor na si Direk Joel Lamanagan, kasama ang award-winning scriptwriter-director na si Direk Joey Reyes bilang head writer, mapapanood ang Madam Chairman simula sa October 14, 7:00 ng gabi sa inaabangang bagong primetime programming ng TV5 na.  “Everyday all the Way.

Komedyanteng si Joey paras trinatong babae ng French guy

Naging kaabang-abang ang episode What’s Up, Doods? kagabi. 

Game na game si Edu Manzano ka­­sama ang guests niyang sina Mitch Valdes, Daiana Meneses at fast-ri­sing comedian Joey Paras.

Umaatikabo ang naging batuhan nina Edu at Mitch dahil gaya nang alam ng lahat, pareho silang intelihente at ni­re­respeto sa kani-kanyang larangan.

Si Daiana naman, medyo kontro­bersyal dahil sa ilang isyu na kinasangkutan nitong mga nakalipas ng buwan.

Si Joey, “napakanta” ni Edu tungkol sa makulay na lovelife nu’ng panahong hindi pa siya gaanong aktibo sa showbiz.

Sabagay, aminado naman ang bida ng Viva Films co­medy movie na Bekikang, na bago sumabak sa showbiz, naging parte siya ng banda na nagtu-tour sa iba’t ibang bansa.

Kung saan-saan na napadpad si Joey at ilan na rin ang kanyang naging karelasyon. Pero, ang pinakabongga sa lahat ay ang naging ugnayan nila ng isang French guy na talagang inalagaan, ginastusan at trinato raw siyang girl.

Nagpapasalamat si Edu dahil ramdam niya ang positive feedback ng kanyang programa.

                                               

 

vuukle comment

BARANGAY STA

CIARA SOTTO

DAHIL

DAIANA MENESES

DIREK JOEL

DIREK JOEL LAMANAGAN

EDU

MADAM CHAIRMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with