^

PSN Showbiz

Singer-actress consistent sa pagiging balasubas, boutique owner ang bagong biktima

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Isang boutique owner in Quezon City ang nag­sampa ng kaso sa isang aktres na hindi umano nag­­babayad ng utang sa kanya. Pinag-iisipan pa ng boutique owner kung sasampahan din niya ng kaso ang iba pa niyang customer na mga artista na hindi rin umano nagbabayad ng mga kinuhang items sa kanya. Consistent ang isang singer-actress sa pagiging balasubas dahil nagtatago umano ito at ayaw ha­rapin ang mga pagkakautang. Meron ding ibang singer-actress na nagbayad umano ng talbog na tseke kapalit ng mga items na binili nito.

Kung ipapa-diyaryo lamang ng boutique owner na ito ang mga pangalan ng kanyang mga celebrity customers na hindi nagbabayad sa kanya, tiyak na mahaba-haba ang kanyang listahan.

Maui Taylor malapit nang manganak

Kung ang dating Viva Hotbabe na si Jen Rosendahl ay ikinasal na last Saturday sa kanyang businessman boyfriend na si Jules Changco na ginanap sa Sanctuario de San Antonio sa Porbes Park, buntis naman ngayon ang isa pang member ng Viva Hotbabe na si Maui Taylor sa kanyang non-showbiz BF na isa ring negos­yante.

Nagkita kami ni Maui and her boyfriend recently sa kanilang paboritong Japanese restaurant sa Bonifacio Global City, ang Toki.

Kung hindi kami nagkakamali, magsi-six months na ang nasa sinapupunan ni Maui.

Gwen Garci hiwalay na sa ama ng anak

Hiwalay na ang sexy actress na si Gwen Garci sa kanyang Italian boyfriend kung kanino siya may isang anak. Balik-showbiz si Gwen na gustong makilala ngayon bilang aktres. Kahit may anak, napakaseksi pa rin ngayon ng dating Viva Hotbabe member.

Marian kinopya ang ginagawa ni Dingdong

Talagang malaki ang impluwensiya ni Dingdong Dantes sa kanyang nobyang si Marian Rivera. Kung gumagawa man ng pelikula si Dingdong sa Star Ci­ne­ma, ginagawa na rin ito ni Marian ngayon.  Katunayan, may guesting din din si Marian sa The Buzz nina Boy Abunda, Toni Gonzaga, at Charlene Gonzales dahil sa promo ng pelikula nila ni AiAi de las Alas, ang Kung Fu Divas kung saan co-produ­cer din si Marian.

Kung noon ay tila imposible ang pagtungtong nina Dingdong at Marian sa bakuran ng ABS-CBN, posible na ito ngayon dahil nga sa mga pelikulang kanilang ginagawa. 

May basbas umano ang GMA sa guesting nina Dingdong at Marian sa ilang programa ng ABS-CBN na may kinalaman sa kanilang pelikula.

Kris ayaw ibunyag ang bagong love life

Si Rep. Lino Cayetano kaya ang bagong nagpapasaya ngayon sa Queen of All Media na si Kris Aquino?

Masayang-masaya umano ngayon ang presidential sister kahit text lamang ang natatanggap nito galing sa kanyang bagong inspirasyon. Pero ayaw na niyang pag-usapan ang kanyang lovelife ngayon. Mas gusto raw niyang manahimik ngayon.

vuukle comment

GWEN GARCI

KANYANG

KUNG

MAUI TAYLOR

NGAYON

SHY

VIVA HOTBABE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with