^

PSN Showbiz

Gutierrez siblings swak sa talk show

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Dati-rati ay tila imposibleng pagsama-samahin sa isang programa ang magkakapatid na Ruffa, Richard, at Raymond Gutierrez dahil nakatali sila sa iba’t ibang istasyon.

​Halos magkakasunod na nag-expire ang kontrata ng magkakapatid at pare-pareho na silang freelancer ngayon. Although pumirma si Raymond ng kontrata sa TV5 bilang isa sa mga host ng bago nitong showbiz talk show, ang Showbiz Police na pinagsasamahan nila nina Cristy Fermin. Rep. Lucy Torres-Gomez, at Direk Joey Javier Reyes, ito’y para lamang sa nasabing programa at hindi siya exclusive sa nasabing TV network.

Floating naman ang status ngayon nina Ruffa at Richard na hindi pa decided kung saang istasyon sila lilipat. Dahil dito, naging posible ang guesting ng magkapatid sa pilot episode ng Showbiz Police kung saan ang kapatid nilang si Raymond ang magi-interview na first time mangyayari. Masayang-masaya siyempre ang magkakapatid. Magiging mas maganda siguro ang interview ni Raymond kung isasama pa niya ang kanilang parents na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama or he will reserve it sa future episode ng kanilang programa.

Direk Wenn nahulaang sisikat si Andi

​ Even as a young girl ay kinakitaan na ni Direk Wenn Deramas si Andi Eigenmann ng pagiging isang major star at hindi naman nagkamali ang mahusay at box-office director.

​Biggest break ni Andi ang launching project nito sa ABS-CBN, TV version ng serialized sa komiks ang Agua Bendita na unang nakilala ang tambalan nila ni Matteo Guidicelli. Isang mature role naman ang ipinagkatiwala sa kanya sa pamamagitan ng Kapag Puso’y Masugatan na nakasama sina Jake Cuenca, Gabby Concepcion, at Iza Calzado.

Nagkaroon man ng matinding pagsubok si Andi na may kinalaman sa kanyang personal na buhay, hindi ito hadlang upang maipagpatuloy niya ang magandang takbo ng kanyang karera.

​Andi is back sa isa na namang mapaghamong character sa Galema.

​

vuukle comment

AGUA BENDITA

ANDI

ANDI EIGENMANN

ANNABELLE RAMA

CRISTY FERMIN

DIREK JOEY JAVIER REYES

DIREK WENN

RAYMOND

SHOWBIZ POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with