^

PSN Showbiz

Tatay ni Regine may matinding sakit

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Ang fund-raiser kagabi ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM) at Philippine National Red Cross (PNRC) sa Wil’s Events Place sa Quezon City.

Ang mga residente ng Bulacan na biktima ng kalamidad ang beneficiary ng fund-raiser ng PNRC at ng OPM, sa panguguna ni OPM President Ogie Alcasid.

SCENE: Isinadula ng Magpakailanman ang life story ni Super Sireyna Queen of All Queens Francine Garcia. Ginampanan ni Francine ang sarili sa episode ng Magpakailanman at katuparan ito ng kanyang pangarap na maging aktres.

SEEN: Humihiling ng dasal si Regine Velasquez at ang buong pamilya niya para sa kanyang ama na may sakit, si Gerry Velasquez.

Dumaraan ngayon sa pagsubok ang mga Velasquez dahil sa karamdaman ni Mang Gerry.

SCENE: Binabatikos at pinaglalaruan ng Filipino netizens si Miley Cyrus dahil sa kanyang raunchy performance sa MTV Video Music Awards noong Linggo.

SEEN: Nagsisimula nang tumanggap ang Eat Bulaga ng mga contestant mula sa iba’t ibang school dahil ibabalik na ang Junior Pinoy Henyo.

SCENE: Graded A ng Cinema Evaluation Board ang On the Job ng Star Cinema.

Opening day ngayon ng On the Job sa nationwide theaters. 

SEEN: Ang mga feedback na hindi magandang halimbawa sa mga bata ang ugali na ipinakikita ng mga magulang na kasali sa Anak Ko ‘Yan, ang reality show ng GMA 7.

SCENE: Ang pagtatapat ni Mario Maurer sa kaibigan niya na Pinoy na hindi siya natutuwa sa pilit na pagli-link sa kanya sa comedienne na si Kakai Bautista.

 

vuukle comment

ANAK KO

CINEMA EVALUATION BOARD

EAT BULAGA

EVENTS PLACE

GERRY VELASQUEZ

GRADED A

JUNIOR PINOY HENYO

KAKAI BAUTISTA

MAGPAKAILANMAN

ON THE JOB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with