^

PSN Showbiz

Carmina nakalimutang inaanak pala si Daniel

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Nakalimutan ni Carmina Villarroel na inaanak niya sa binyag si Daniel Padilla. Ipinaalala kay Carmina na ninang siya ni Daniel nang maging artista ito at nagkita sila sa ABS-CBN. Magkasama sina Carmina at Daniel sa Got to Believe ng GMA 7.

SCENE: Absent si Manilyn Reynes sa presscon ng Got to Believe dahil may sakit siya. Enjoying the best of both worlds si Manilyn dahil may show siya sa ABS-CBN at GMA 7.

SEEN: Gumagawa na ng paraan si Daniel upang magamot ang pagiging late niya.

SCENE: Tanging si Senator Sonny Angara sa mga senador na sinuportahan ni Mother Lily Monteverde sa nakaraang eleksiyon noong Mayo ang nakaalaala na magbigay ng thanksgiving party sa entertainment press.

SEEN: Matutupad na ang pagbabakasyon ni Coco Martin sa Boracay dahil ito ang pangako sa kanya ni Senator Sonny Angara noong panahon ng kampanya. Si Angara ang senatorial candidate na sinuportahan ni Coco.

SCENE: Kinuha sa family name ni Daiana Menezes ang apelyido ni Benjamin Alves. Daiana Alves ang tunay na pangalan ng Bra­zilian model-actress.

SEEN: Proud si Gladys Reyes sa role niya sa indie movie na Mga Kuwentong Barbero. Natapos ang shooting ng Mga Kuwentong Barbero noong Martes.

SCENE: Nauna nang nagpasalamat si Sen. Chiz Escudero sa entertainment press na nakaintindi sa pinagdaanan nila ni Heart Evangelista noong nakaraang eleksiyon.

 

vuukle comment

BENJAMIN ALVES

CARMINA

CARMINA VILLARROEL

CHIZ ESCUDERO

COCO MARTIN

DAIANA ALVES

DAIANA MENEZES

DANIEL PADILLA

MGA KUWENTONG BARBERO

SENATOR SONNY ANGARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with