^

PSN Showbiz

Nanay ni Charice umamin, tomboy din!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Special guests sina Solenn Heussaff, Ricci Chan, at G Toengi sa Sarap Diva ngayong umaga.

 Pero ang isa pa sa aabangan ay ang transformation ni Regine Velasquez na sinimulan niya ang programang walang makeup at doon ay aayusan siya, at nagkaroon pa ng makeup challenge.

PAK: Ang latest na narinig namin sa isyung paglipat ni Ogie Alcasid sa TV5 ay tuloy pa rin ito.

Napag-usapang hindi na tuloy at sa GMA 7 pa rin siya dahil kasama pa rin pala siya sa bagong programang Sunday All Stars.

Ayon sa aming source, sisimulan lang ni Ogie ang Sunday All Stars pero pagkatapos ng kontrata nito sa end of the month ay itutuloy na ang pag-alis sa Kapuso Network at lilipat na sa Singko.

Pawang speculations pa lamang iyon dahil tikom ang bibig mismo ni Ogie pati na ang kanyang manager.

Pero sinabi naman ni Regine sa ibang kakilala nila hindi naman daw talaga lilipat si Ogie.

Kaya hintayin na lang natin kung ano ba talagang plano ni Ogie.

BOOM: Ang lola ni Charice na si Tess Relucio ang unang nagbunyag na tomboy din ang anak niyang si Raquel Pempengco kaya hindi na sila nagulat at tanggap na tanggap nila ang pag-amin ng kontrobersiyal na international singer.

Kahapon ay inamin sa amin ng ina ni Charice na isa siyang tomboy at nagkaroon pa nga siya ng girlfriend. Pero sinunod daw niya ang kanyang ina kaya nagpakasal ito sa ama ni Charice.

Nang inamin ni Mommy Raquel ang tungkol sa kanyang pagkatomboy noon, narinig ng ilang miyembro ng media na nagulat ang kapatid na lalaki ni Charice na si Carl.

Sinabi raw nitong nung bata raw siya ay akala niya ay bading naman siya.

Ngayon ay deretsong sinabi ni Raquel na matatanggap niya uli ang kanyang anak kung gusto nitong bumalik pero huwag na huwag lang isasama ang napabalitang karelasyon nitong si Alyssa Quijano.

vuukle comment

ALYSSA QUIJANO

CHARICE

G TOENGI

KAPUSO NETWORK

MOMMY RAQUEL

OGIE

OGIE ALCASID

PERO

RAQUEL PEMPENGCO

SUNDAY ALL STARS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with