^

PSN Showbiz

Fans ni Kim sumosobra na!

THATS ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Aba, grabe naman pala itong ilang mga fans ni Kim Chiu! Grabe silang makapanlait ng isang tulad ni Maja Salvador na ang naging kasalanan lamang sa idolo ay mahalin ang ex nito! Magalit sila kay Maja kung sinulot nito si Gerald Anderson kay Kim pero matagal nang hiwalay ang dalawa nang magka-ibigan sila. Nakapagtataka ngang iniinda pa ito hanggang sa ngayon ni Kim eh two years ago pa nang mag-break sila ni Gerald.

Ito namang fans niya eh wala ring ipinagkaiba. Galit na galit kay Maja at nagbabanta pa. Wala bang magawa si Kim para mapagsabihan sila? ’Di na bale na magalit siya pero pati ba naman sila? Pero ginawa na rin nila ito before gusto lang nilang makita na true to form sila.

Huwag lang silang manakit ng pisikal dahil alam nila kung saan sila pupulutin.

Vice Ganda nagkikimkim ng galit

  Mukhang tatagal pa ’yung pagpapatutsada ni Vice Ganda kay senatoriable Nancy Binay. Marami ang nagsasabi na hindi lang ito isang simpleng statement, may pinanggagalingan ito.

Ito ang dapat matuklasan para maintindihan kung bakit ’di lang parang galit ang komedyante sa anak ni VP Jojo Binay. At sinagot lang nito ang mga nauna niyang sinabi pero parang may nagsimula ng giyera mundyal.

Ngayon kasali pa si Inday Garutay. Hindi na gumaganda at nagiging interesting ang away!

Trono ni Toni hindi puwedeng ibigay kay Alex

I’m sure walang rivalry na mamamagitan sa magkapatid na Toni at Alex Gonzaga. Prin­sesa man ang huli sa istasyong iniwan niya, hindi niya madadala sa bago niyang bahay ang kanyang titulo. Obvious naman na sa ABS-CBN ay senior si Toni, may trono na itong inuupuan.

Siguro dapat tanggapin ito ni Alex at makuntento na kailangang magsimula siyang muli sa ibaba sa bagong network dahil mas marami ang senior sa kanya rito.

vuukle comment

ALEX

ALEX GONZAGA

GERALD ANDERSON

INDAY GARUTAY

JOJO BINAY

KIM CHIU

MAJA

TONI

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with