^

PSN Showbiz

Pangarap ni Echo, tutuparin ni Martin

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matutupad na ng Kapamilya heartthrob na si Jericho Rosales ngayong Biyernes (Abril 26) ang matagal na niyang pinapangarap na maging guest ng Big Mouth ng Philippine TV na si Martin Nievera sa Martin Late @ Night.

Bago pa man siya pumasok sa pag-aartista, isa na sa mga inaasam-asam ni Echo ang maging panauhin ng late night talk show ng ABS-CBN.

At sa pag-abot ng isang pangarap, samahan si Echo ngayong Biyernes sa isang masaya at masiglang kuwentuhan at tuklasin ang iba’t ibang mga hinahangad din niyang marating sa buhay. Bukod sa pagiging isa sa pinakamahuhusay na actor sa industriya, ano pa nga ba ang mga nais na matupad ni Echo bilang isang singer at film producer?

Kailan nga ba niya binabalak na bumuo ng sariling pamilya? Paano nga ba niya nakikita ang kanyang sarili ilang taon mula ngayon? Huwag palampasin ang Martin Late @ Night,  tuwing Biyernes ng gabi, pagkatapos ng Bandila.

vuukle comment

ABRIL

BANDILA

BIG MOUTH

BIYERNES

BUKOD

HUWAG

JERICHO ROSALES

KAILAN

MARTIN LATE

MARTIN NIEVERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with