^

PSN Showbiz

Mga Disney princess, ‘nagkakaedad’ na ang hitsura

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Parang medyo nag-mature na ang hitsura ng mga Disney Princess na nasa Hong Kong Disneyland. Parang kailangan na nilang magpalit ng mga bata-bata ng konti.

Alanganin na kasing prin­se­sa ang kanilang mga hitsura, papasa sila sigurong mga reyna naman. Hahaha.

Anyway, ang dami tala­gang Pinoy na performer sa HK Disneyland. Kahit sa parade ng mga Disney characters kitang-kita sila dahil panay ang pasasalamat nila sa mga Pinoy na nagdadagsaan din doon.

Aktor mahina sa kanyang mga kababayan

   Mahina raw ang isang actor na kumakandidato sa kanyang probinsiya. Ayon sa isang taga-roon sa probinsiya ng actor, hindi naman daw kasi ito gaanong magaling makisama sa kanyang mga kababayan. Saka hindi naman daw ito madalas makita sa kanilang lugar kaya hindi rin gaanong napalapit sa kanyang nasakupan nang una itong manalo.

Saka medyo malakas daw ang kalaban nito kaya duda sila kung makakalusot ang actor sa tina-target nitong posis­yon.

Alex Santos niretiro ng Dos, ‘exclusive’ report nabuko ni Kabayan

Napansin ko lang na nakabalik si Doris Bigornia sa ABS-CBN. Matagal-tagal ding nawala sa eksena ng pagbabalita si Doris dahil naaala kong ni-retire siya noong panahon ni Maria Ressa.

Pero ngayong si Ging Reyes ang head ng News and Current Affairs ng Dos, balik sa pagba­balita si Ms. Doris.

Ang isang malabong makabalik na raw sa pagbabalita at pag-a-anchor sa ABS-CBN ay si Alex Santos.

Tinanggal daw kasi ito matapos mabuko ni Noli De Castro ang ginawa  nitong pagtatakip sa isang batang nawala.

Ang istoryang narinig ko, merong special report si Alex tungkol sa isang batang nawawala. Ini-report niya at lumaki ang istorya dahil usung-uso ngayon­ ang mga nawawalang bata. Naglagay pa raw ng mga poster ang pamilya ng nawalang bata at sinubaybayan ni Alex ang nasabing kuwento.

At hindi nagtagal ay nakuha raw ang bata ng mga magulang nito. Nalaman daw ito ni Alex pero pinakiusapan ni Alex ang pamilya na ‘wag munang sasabihin na nakuha na ang bata at siya na ang magre-report, exclusive. Pumayag daw ang mga magulang ng bata.

Pero ang siste, nakausap ng nanay ng bata si Kabayang Noli de Castro sa ere, sa programa         nitong pang-umaga sa DZMM. Tinanong ni Kaba­yan kung kumusta na ang bata. Sumagot daw ang nanay na nakuha na nila ang anak at nabuko ang sinabi ni Alex na ‘wag munang sasabihin na nakuha na nila dahil siya na ang magre-report.

Doon na ‘nagkagulo’ kaya kinastigo si Alex hanggang tuluyan nang iretiro.

Pero may kontrata pa raw si Alex sa ABS-CBN kaya hindi pa ito puwedeng magtrabaho sa ibang network kahit gusto nito. Isang taon pa raw itong nakatali.

Julia masayang-masaya nang mag-jeep at mamalengke

Nakakatuwa naman si Julia Montes. Sa kabila ng kanyang kasikatan, masaya niyang ipinost sa kanyang Instagram account kahapon ang ginawa niyang pamamalengke at pagsakay sa jeep (look ninyo ang photo). “Gusto ko lang i-share ang pic na ito kahit nakapikit si Ate Vangie (kasama niya sa photo). Sarap mamalengke, mag-jeep, at mag-tricycle. Wohhooo. At ang hast tag na ginamit niya : “napakasayakotoday.”

Kaya naman tuwang-tuwa ang fans niya dahil sa kabila ng kasikatan niya, ayan at nagje-jeep siya.

Hindi siya tulad ng ibang artista na hindi pa man sikat ay nagfe-feeling na.

Station ID ng Kapamilya na inilunsad sa ASAP, pinag-uusapan pa rin

Hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ang  2013 Summer Station ID ng ABS-CBN na may temang ‘Kwento ng Summer Natin’ na nagkaroon ng launching last Sunday sa ASAP 18.

Lalo ring nabuhay ang nasabing programa noong Linggo dahil sa pagbisita ng bida ng box-office hit na It Takes a Man and a Woman na si John Lloyd Cruz. Nagkaroon din ng grand launch ng pinakabagong single ng Phenomenal Box-Office Star na si Vice Ganda na Karakaraka na hindi ko pa naririnig at sa sorpresang inihatid ng Pinoy rapper-songwriters na sina Gloc 9 at Abra.

Sinalubong din nila ang ipinalalabas na ngayong Dugong Buhay kung saan nag-perform si Sunshine Cruz na isa na ngayong certified Kapamilya na isa sa mga bida ng Dugong Buhay.

Nakakamangha rin ang pagrampa ng Bb. Pilipinas beauty queens na sina Janine Tugonon, Nicole Schmitz, at Katrina Dimaranan, kasama ang 50 candidates ng prestihiyosong beauty pageant.

Nag-birthday din sina Karylle at Julia Barretto na kasama ang Star Magic Circle 2013.

 

 

 

vuukle comment

ALEX

ALEX SANTOS

BATA

DUGONG BUHAY

PERO

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with