^

PSN Showbiz

‘Muling pagkabuhay’ ni Rebecca tinutukan ng buong bayan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tunay na pinaka-aabangan ng primetime TV viewers sa buong bansa ang “muling pagkabuhay” ni Rebecca (Ange­lica Panganiban) sa katauhan ng kakambal nitong si Serena (Angelica) sa top-rating primetime drama series ng ABS-CBN na Apoy sa Dagat.

Patunay dito ang latest data mula sa Kantar Media noong Lunes (Marso 25) kung kailan nakamit ng Apoy sa Dagat ang all-time high national TV ratings nito mula nang magsimula itong umere noong Pebrero 11. Humataw ang pinakamainit na serye ngayon ng 28.6% national TV ratings, o 12 puntos na kalamangan kumpara sa bagong katapat nitong programa sa GMA na Mundo Mo’y Akin na nakakuha lamang ng 16.6%.

Ngayong inangkin na ni Serena ang naiwang buhay ni Rebecca, maisasakatuparan kaya niya ang misyon na maipaghiganti ang kakambal sa lahat ng mga taong umapi dito kabilang na si Adriana (Angel Aquino)? Anong gagawin ni Odessa (Aiko Melendez) ngayong buhay pala ang anak niya?

Mahulog kaya ang loob ni Serena sa nobyo ni Rebecca na si Anton (Diether Ocampo) o mas matimbang pa rin sa puso niya ang kababatang si Ruben (Piolo Pascual)?

Huwag palampasin ang mas umiinit na kwento ng Apoy sa Dagat, gabi-gabi, 9pm, pagkatapos ng Ina, Kapatid, Anak sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Para sa karagdagang updates at feeback kaugnay ng programa, i-like ang official Facebook fanpage ng Apoy Sa Dagat sa http://facebook.com/apoysadagat2013 at sundan ang @Apoysadagat_TV sa Twitter.

 

vuukle comment

AIKO MELENDEZ

ANGEL AQUINO

APOY

APOY SA DAGAT

DAGAT

DIETHER OCAMPO

KANTAR MEDIA

MUNDO MO

PIOLO PASCUAL

REBECCA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with