^

PSN Showbiz

Eddie best actor sa Asian Film Awards, gagawan uli ng indie film

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Kung tama ang kuwento ng aking spy, kahapon dumating si Nora Aunor mula sa Hong Kong at naiwan doon si Eddie Garcia para magbakasyon nang sandali.

Lumipad sa Hong Kong ang dalawa dahil dumalo sila sa 7th Asian Film Awards na naganap noong Lunes. Hindi nabalewala ang HK trip nina Nora at Papa Eddie dahil nag-win sila.

Iniuwi ni Nora ang best actress award at si Papa Eddie ang tumanggap ng Jury’s Choice at People’s Choice for best actor.

Nanalo si Nora para sa pelikulang Thy Womb na nagkaroon ng special screening sa Podium Cinema noong Friday, courtesy of Sen. Loren Legarda. Knowing Mama Loren, siguradong may congratulatory message siya para kay Nora, ang lead actress ng Thy Womb.

Win naman si Papa Eddie para sa Bwakaw, ang Cinemalaya 2012 entry na critically-acclaimed dito sa Pilipinas at sa ibang bansa. Pinatunayan ni Papa Eddie na kahit senior citizen na siya ay makakapag-uwi pa rin siya ng karangalan mula sa ibang bansa.

   Maganda ang nangyayari sa ating mga veteran star. Nabibigyan na sila ng pagpapahalaga tulad ng importansiya na ibinibigay sa mga veteran star sa Hollywood. Talagang mga national treasure ng ating bansa at ng Philippine cinema sina Nora at Papa Eddie.

At dahil diyan, gagawan uli ng indie movie si Papa Eddie, ang Barber’s Tales na mula sa direksiyon ni Jun Lana.

Si Jun ang direktor ng Bwakaw kaya asahan natin na magandang project din ang Barber’s Tales. Same team ng Bwakaw ang production staff ng Barber’s Tales.

Lovi papalitan ng dalawang aktres

Out na si Lovi Poe sa bagong teleserye ng GMA 7 na pagbibidahan ni Richard Gutierrez.

Naghahanap pa ng leading lady para kay Richard pero sure nang kasama sa cast si Michelle Madrigal. Lumitaw ang pangalan ng dalawang aktres na possible replacement kay Lovi pero itinanggi ng isang insider ang tsismis.

Marian aasikasuhin na ang Kung Fu Divas at My Lady Boss

Sa March 27 ang last taping day ng Temptation of Wife kaya walang conflict sa schedule ni Michelle, ang tunay na Chantal sa teleserye nina Marian­ Rivera, Dennis Trillo, at Rafael Rosell.

Looking forward si Marian sa last taping day ng Temptation of Wife dahil makakapagpahinga na siya.

Ang teleserye ni Richard ang ipapalit sa Temptation of Wife. Dahil mababawasan na ang kanyang trabaho, ang shooting ng Kung Fu Divas at promo ng My Lady Boss na lang ang pagkakaabalahan ni Marian.

Mother Lily umapir na

Showing sa mga sinehan sa April 10 ang My Lady Boss. Kahapon ang presscon ng pelikula nina Richard at Marian pero hindi na ako nakapunta dahil may inasikaso ako na importanteng bagay.

   Na-miss ko tuloy ang first public appearance ni Mother Lily Monteverde, pagkatapos ng kanyang successful lung surgery. Tumanggi si Mother Lily na magpainterbyu sa TV crew na naghintay sa pagdating niya sa presscon ng My Lady Boss.

                                          

 

vuukle comment

BWAKAW

HONG KONG

KUNG FU DIVAS

MOTHER LILY

MY LADY BOSS

NORA

PAPA EDDIE

TEMPTATION OF WIFE

THY WOMB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with