^

PSN Showbiz

Sen. Bong magme-medical leave, bumuka ang opera sa paa

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Sen. Bong magme-medical leave, bumuka ang opera sa paa
Sen. Bong Revilla
STAR/File

Kailangang mag-file ni Sen. Bong Revilla ng medical leave sa Senado dahil sa kalagayan ng kanyang paa matapos operahan ang achilles tendon.

Pinilit ng actor/politician na dumalo sa session sa Senado nung nakaraang Lunes, at iyun ang dahilan kung bakit nagkaroon ng blood stain sa kanyang right ankle na bagong opera.

Bumuka ang operasyon nito kaya ang payo ng doktor nito sa St. Luke’s BGC ay kailangang naka-elevate ang paa ng at least dalawang linggo.

Bahagi ng nakasaad sa medical certificate mula sa St. Luke’s Global; “Upon the latest inspection over the right ankle after change of dressing (2345H May 13 2024), we have noted some area of bleeding and mild dehiscene. We have advised that he keep the leg elevated at all times for the next 2 weeks (May 14 2024 to May 31 2024) to decrease potential swelling that can aggravate our postoperative wound site.”

Kaya kailangan niyang mag-leave muna sa trabaho niya sa Senado; “Not reporting for onsite work will provide the best scenario for his wound healing so that he can readily elevate the leg.”

Kaya namamalagi na muna si Sen. Bong sa kanilang farm dahil mas makakapagpagaling daw siya roon nang mabuti.

Nanghinayang nga si Sen. Bong na hindi niya personal na natanggap ang parangal na iginawad sa kanya ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, bilang Best Comedy Actor sa Box Office Entertainment Awards na ginanap sa Henry Irwin Lee Theater ng Ateneo de Manila noong Linggo, May 12.

Sina Cong. Lani Mercado at Agimat Partylist Representative Bryan Revilla ang tumanggap ng award.

Saad ni Sen. Bong na ipinadala sa naturang awarding; “Nagpapasalamat po ako sa lahat ng sumuporta sa Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis sa nakalipas na dalawang season. Ang award na ito ay hindi lang para sa akin kundi para sa lahat ng nakitawa, nakiiyak, at nakisaya.”

Ang leading lady ni Sen. Bong na si Beauty Gonzalez ang ginawaran namang Best Comedy Actress.

Gabbi at Khalil, bawal sabihin ang gagawing project

Suportado ni Gabbi Garcia ang boyfriend niyang si Khalil Ramos na bahagi sa pelikulang Fuschia Libre nina Paolo Contis at John Arcilla.

Sinamahan ni Gabbi ang singer/actor sa premiere night nito na ginanap sa SM Fairview nung nakaraang Lunes.

Maganda ang role ni Khalil sa pelikula na mala-Joker ang dating. Ibang-iba siya rito at sabi nga niya, nung sinu-shoot daw niya ito ay pinapadala raw niya ang ilang footages kay Gabbi at aliw na aliw daw ang nobya.

“There was challenge, pero medyo madali ko siyang napuntahan,” pakli ni Khalil na gumaganap bilang si Patron, ang leader ng parang sindikato sa kuwento ng pelikula.

Tahimik lang ang relasyon ng magkasintahan. Tinanong namin kung ano ang nararamdaman niya sa ilang showbiz couples na akala mo sila na talaga ang magkakatuluyan pero nauudlot kahit engaged na.

Mas gusto raw nilang tahimik na lang at kung ano man ang plano nilang dalawa, mas mabuting sa kanila na lang daw muna ito.

“Kasi kaming dalawa, for the past 7 years very tahimik naman talaga yung relasyon namin. Parang hindi naman kami masyadong maintriga pagdating sa lovelife,” sabi pa ni Gabbi.

“We do talk about it naman you know. It’s something that we hope to the both of us. Pero, yeah! Kagaya nga nang sinabi ni Gab, if it happens, sa amin na muna yun,” pakli naman ni Khalil.

May pagsasamahan silang malaking projecta, pero hindi pa raw muna nila itong sabihin.

“Hindi pa namin…wala pa e. Baka magbayad ako. Hindi puwede. Soon!” bulalas ni Gabbi.

Itong project ang dahilan kung bakit hindi tumuloy si Gabbi sa Widow’s War na drama series sa GMA 7.

“Kaya hindi kami naka-comit agad kasi talagang nag-conflict yung Vschedule. Nagkasabay. Sayang,” sambit pa ng actress.

Si Khalil naman ay tumutulong muna sa promo ng Fuschia Libre dahil nag-showing na ito sa mga sinehan.

vuukle comment

SEN. BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with