^

PSN Showbiz

Relasyon kay Sen. Chiz ipinaglalaban, Heart nanindigan, nasa edad na para pakialaman ng mga magulang!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Nanindigan si Heart Evangelista na nasa tamang edad na siya para i-handle ang kanyang buhay at pakikipagrelasyon.

Ito ay matapos kumalat kahapon na nagsimula sa column sa isang broadsheet na nagkaroon ng problema sa kanila ng kanyang magulang dahil sa karelasyon niyang si Sen. Chiz Escudero.

Ayon sa balita, nagkasuntukan ang ama ni Heart at ang driver nito matapos umanong utusan ang naturang driver ni Heart, hindi driver ni Sen. Chiz katulad nang napabalita, na kunin ang kanyang mga damit at dalhin na sa kanyang condo unit kung saan nasa iisang building ang unit niya at kanyang mga magulang.

Nakasaad din sa nasabing kuwento, umano’y nasusulsulan si Heart ng karelasyon niya tungkol sa kanyang mga magulang na agad namang idinenay ng senador.

Kaya naman kahapon ay nakatanggap ako ng statement mula sa kampo ni Heart:

“Nangyari na ito dati sa amin ni Jericho (Rosales). At that time nagparaya ako dahil gusto ko maging masaya ang mga magulang ko. Dahil bunso ako sa pamilya, naging over protective ang mga parents ko. Pero bata pa ako nun. Ngayon, 28 na ako, siguro naman alam ko na, at karapatan ko na, pumili kung sino ang mamahalin ko at sasamahan ko.

“Gusto ko lang linawin at ibunyag ang katotohanan tungkol sa mga pangyayaring naganap. Pero sa kabila ng mga nasabing masakit at malayo sa katotohanan, mahal ko pa rin ang pamilya ko, ang mommy at daddy ko, at hindi nabawasan ang respeto ko sa kanila. Walang problema na hindi maaayos ng isang pamilya.

“Walang ipinakita sa akin si Chiz at ang kanyang pamilya kundi kabutihan at pagmamahal, kaya sana ay huwag na silang idamay sa mga pangyayari. Nagpasalamat ako kay Chiz sa patuloy niyang pag-unawa at suporta sa akin.

“Lahat naman tayo merong karapatan maging masaya. Nandun ako ngayon sa punto ng buhay ko kung saan masaya ako. Sana naman, maging masaya rin ang mga mahal ko para sa akin.

“At para dun sa mga nagtatangkang gamitin itong isyu para sa pamumulitika, ang pakiusap ko lang sana ay huwag na. Masakit na nga itong mga pangyayari para sa akin at sa mga mahal ko sa buhay, maawa naman sana sila.”

Hmmm, baka naman natatakot lang ang magulang ni Heart na tuluyan nang mawala sa poder nila ang kanilang dalaga.

Pero may ilang malditang nag-iisip na baka naman nanghihinayang na naman ang madir ni Heart na mawala ang kanyang komisyon sakaling mag-asawa na si Heart.

Hahaha!

Ayaw ni Tita Annabelle Rama ng ganito.

Nasa tamang edad na nga naman si Heart para magkaroon ng sariling desisyon.

Puwede pa bang sulsulan ang tulad niya?

Zsa Zsa may panibagong sakit?!

#Anonanaman ang sakit ko.

Ito ang hashtag kahapon ni Divine Diva Zsa Zsa Padilla tungkol sa kanyang nararam­daman.

“Rock tape. So this is what athletes go through? I’m pretty sure I got my injury from sleeping the wrong way! Haha.

“No upper body work out for me for a week. Kinda sad since I’m loving Zumba. Pain started January with my left arm and went to my left shoulder and yesterday left side of my neck. Couldn’t ignore it anymore so now I’m having therapy.”

Paalam, Kuya Mar

Umaga nang matanggap ko ang text na nanghihingi ng dasal dahil nasa ICU ang kaibigan at beteranong writer at radio commentator na si Kuya Mar de Guzman Cruz dahil sa liver infection pero pagdating ng hapon ay muli akong nakatanggap ng message na pumanaw na si Kuya Mar. 

Nakakalungkot dahil isa si Kuya Mar sa pinakamabait at magaling na manunulat.

Paalam, Kuya Mar. Thank you for the friendship.

vuukle comment

AKO

CHIZ

CHIZ ESCUDERO

HEART

KANYANG

KUYA MAR

NAMAN

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with