^

PSN Showbiz

Daniel at Kathryn wala nang kailangang aminin

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Mukha naman talagang may pagkakaintindihan na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Kitang-kita ito kapag magkasama sila. Kahit hindi sila maghawakan ng kamay, the body language tells us all. Mas masyadong obvious si Daniel, kahit paulit-ulit niyang sabihin na nagbago na ang imahe ng mga Padilla. Hindi na sila mga babaero. At siya ang pinaka-magandang ehemplo nito dahil wala siyang ibang nililigawan bukod kay Kathryn.

 Sana lang inspirasyon ang makuha ng dalawang bagets sa isa’t isa at huwag lumabis ang kanilang relasyon sa hinihingi ng kabutihang asal. Sana.

Anak ni Tina Paner isinabak na sa TV5

Pumasok na rin pala sa pag-aartista ang anak ni Tina Paner na si Shane. Kasama ito ng kanyang Tita Danita Paner na nag-guest sa isang TV5 fantasy series.

Makakaligtas ba siya sa pangungumbinsi ng kan­ya ng Lola Daisy Romualdez na nakakita na na­man ng pag-asa na makagawa ng isang mala­king artista sa kanyang apo? Hindi naman kaila sa m­arami na nag-asawa si Tina sa kasagsagan ng kan­yang kasikatan at si Danita naman ay parang nakalimutan na ng TV5. With Shane, nabuhay na naman ang dugo ni Mama Daisy.

Cacai sa dayuhang sikat ang kapalaran

Congratulations kay Cacai Bautista kung siya pala ang natipuhan ng Thai actor na si Mario Mau­rer! Kung totoo ito, ’yang pag-ibig naman ay walang pinipili. Let’s just be happy for Cacai.

Nasa isang dayuhan pala ang kapalaran niya. Eat your heart out, kayong mga maiinggitin at mapamintas!

vuukle comment

CACAI

CACAI BAUTISTA

DANIEL PADILLA

KATHRYN BERNARDO

LOLA DAISY ROMUALDEZ

MAMA DAISY

MARIO MAU

SANA

TINA PANER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with