^

PSN Showbiz

Mariah Carey sapaw na sapaw na ni Nicky Ninaj sa AI!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

May isang Fil-Am na naman ang lumusot at magiging bahagi ng top 10 ng kasalukuyang season ng  American Idol. Maraming Pinoy ang nagbunyi nang makasama sa limang lalaki at limang babae na magsisimula nang maglaban-laban para sa tatanghaling AI 2013 . Siya si Adriana, 17 taong gulang mula sa Alaska. Unlike Jessica Sanchez na mas mabulto ang pangangatawan, parang sa isang ihip ng hangin ay maari nang tumumba ang magandang kabataan na matagal na pinapangarap na sumali sa napakasikat na paligsahan sa pagkanta pero, ngayon lang nagkaroon ng pagkakataon.

Tinanong siya ng isa sa apat na hurado na si Nicki Minaj kung Pilipino siya at sinagot niya ito ng oo. Sa pagkakasali niya, muling nabuhay ang pag-asa ng mga Pilipino sa buong mundo na makakita ng isang American Idol na Pinoy din sa malapit na hinaharap.

Samantala, mukhang napapatungan ni Nicki ang kap­wa niya huradong si Mariah Carey sa paghusga at pagtatanong sa mga contestant. Napaka-prangka niya kumpara sa napaka-mapusong si Mariah. Dahi­lan siguro ito sa palagi siyang nahuhuli sa pagbibigay ng kanyang opinyon sa tuwing makakatapos mag-per­form ang mga kalahok. Pero mas may kulay ang kombinasyon ng apat na hurado ngayon dahil palaging ipinakikita sa kamera ang mga reaksiyon ni Minaj sa mga sinasabi ni Carey. At mas magagaling ang mga babaeng kalahok ngayon kaya mas malaki ang tsansa na isang babae ang manalo sa AI ngayong taon.

Parang dadaan din sa butas ng karayom si Adriana dahil magagaling ang apat na babae napili na kasabay niya sa isang napaka-masigabong semifinals na ginanap.

Arjo Atayde pinapahiran ng cream para paitimin

Nakakagulat ang mabilis na pagganda ng katawan ni Arjo Atayde. Marami ang nagugulat kapag nakikita sa personal ang anak na ito ni Sylvia Sanchez na agad ay kinakitaan ng magaling na pagganap sa mga unang pagsabak niya sa pag-arte sa E-Boy at Maalaala Mo Kaya na kung saan ay nabigyan agad siya ng pagkilala sa kanyang acting.

Bukod sa hindi rumerehistro ang kanyang kabataan sa kamera at pinagmu­mukha siyang mature, kinailangan ding itago sa kamera ang sobrang puti ng kanyang balat sa pamamagitan ng paglalagay ng cream sa buo niyang katawan.

Pero ang lubhang nakakagulat ay nagawa niyang mapaganda ang kanyang pangangatawan. Wala na siyang baby fats at nakapag-trim down na talaga habang hinihintay ang pagsisimula niya ng taping ng bago niyang seryeng Dugong Buhay sa ilalim ng direksiyon ni Toto Natividad. Makakasama niya sa serye si EJ Falcon, Yam Concepcion at marami pang iba.

Imelda Papin ayaw tantanan

Bakit nga kaya pinahihirapan ng kanyang mga kalaban si Imelda Papin? Dahil ba malakas siyang kandidato para congresswoman sa San Jose del Monte?

Bukod sa kanyang bahay dun na sinasabi pa ng kanyang mga kalaban na hindi karapat-dapat tirhan ng tao gayung isang kumikita ng malaki sa kanyang pagkanta ang nakatira dito eh may pagawaan siya ng sabon at detergent dito na nagbibigay ng trabaho sa mga tagaroon. Board member siya ng Bulacan State University at may mga scholar din sa unibersidad na ito.

vuukle comment

ADRIANA

AMERICAN IDOL

ARJO ATAYDE

BUKOD

BULACAN STATE UNIVERSITY

IMELDA PAPIN

KANYANG

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with