Juan... at Apoy sasalubungin sa debut ng ASAP!
MANILA, Philippines - Engrandeng debut na punong-puno ng mga paÂsabog at sorpresa ang ihaÂÂhandog ng ASAP 18 ngayong Linggo (Pebrero 3) sa selebrasyon ng ika-18 anibersaryo ng longest-running at top-rating daytime musical variety show ng ABS-CBN.
Siguradong magdiriwang ang TV viewers at solid ASAP fans sa sunud-sunod na special surprises ngayong Linggo tampok ang mga bituin na minsang nagpaningning ng 18 taon ng no.1 musical variety show sa buong bansa. Maghanda para sa back-to-back grand reunion ng ASAP main hosts na sina Gary Valenciano, Martin Nievera, Pops Fernandez, ZsaZsa Padilla, Kuh Ledesma, Ariel Rivera at Richard Gomez; at ng tinitiliang ASAP boy groups na ASAP POPables, ASAP Coverboys, at ang The Hunks na sina Piolo Pascual, Diether Ocampo, Amir Agassi, Bernard Palanca, at Jericho Rosales.
Tiyak na magliliyab ang ASAP dance floor sa lumalagablab na performances ng ASAP dance groups na G Force, Universal Motion Dancers, Maneuvers, at Streetboys kasama ang mga hari at reyna ng dance floor na sina Vhong Navarro, Jhong Hilario, KC Concepcion, Vina Morales, Regine Tolentino, Maja Salvador, Shaina Magdayao, at Gerald Anderson.
Abangan rin ang espesyal na cotillion-inspired production number na inihanda nina Kim Chiu, Enchong Dee, Sam Milby, Julia Montes, Xian Lim, Jake Cuenca, Enrique Gil, Matteo Guidicelli, Rayver Cruz, John Prats, Jessy Mendiola, Karylle, Nikki Gil, Empress, Iya Villania, Sam Concepcion, Robi Domingo, Khalil, Denise Laurel, Gab Valenciano, Miles Ocampo, Ella Cruz, Paul Salas, Dominic Roque, Bangs Garcia, at marami pang iba.
Non-stop kilig naman ang matutunghayan sa pagsalubong sa cast ng dalawa sa pinakabagong teleserye ng ABS-CBN--ang Primetime Bida action drama series na Juan dela Cruz tampok sina ZsaZsa, Coco Martin, Erich Gonzales, Albert Martinez, Gina Pareño, Joel Torre, Lotlot de Leon, William Lorenzo, Neil Coleta, Arron Villaflor, John Medina, at Louise Abuel; at ang drama series na Apoy sa Dagat kung saan tampok sina Piolo, Diether, at AngeÂlica Panganiban.
Ipagdiwang ang tunay na gaÂling ng mga Pilipino sa larangan ng musika sa makatindig-balahibong musical performance nina Toni Gonzaga, Bugoy Drilon, at Marion Aunor sa kanilang pag-awit ng ikatlong set ng entries ng Himig Handog P-Pop Love Songs 2013; na susundan ng panalong concert experience na ihahatid ng mga kampeon sa kantahan na sina Sarah Geronimo, Angeline Quinto, Yeng Constantino, Christian Bautista, Erik Santos, Jed MaÂdela, Jovit Baldivino, Sheryn Regis, Marcelito Pomoy, Liezel Garcia, KZ Tandingan, at Laarni Lozada.
- Latest





















