^

PSN Showbiz

Mga pelikula ng MMFF, pinipilahan!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Maligayang Pasko sa lahat! Inaasahan ang mahabang pila sa mga sinehan dahil ngayon ang opis­yal na pagsisimula ng Metro Manila Film Festival 2012.

Walong pelikula ang magtatagisan ng lakas sa box office, ang Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako, Sosy Problems, El Presidente, Shake, Rattle and Roll Fourteen, The Invasion, The Strangers, One More Try, Thy Womb at Siste­rakas.

Siyempre, mag-expect tayo na pipilahan sa takilya ang Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako dahil ito lang ang nag-iisang pelikula na pambata. Tiyak na maaaliw ang mga maliliit na bata sa special effects at mga alien na kalaban nina Senator Bong Revilla, Jr. at Vic Sotto sa pelikula na hinuhulaan na magi­ging number sa box-office race. Merry Christmas uli!

Sen. Jinggoy naiyak sa birthday ni LT, naalala ang pinagsamahan nila ni Daboy

Napaluha si Sen. Jinggoy Estrada nang kumanta siya sa birthday party ni Lorna Tolentino noong Dec. 23.

Napaiyak si Papa Jinggoy dahil naalaala niya si Rudy Fernandez, ang kanyang bestfriend na sumakabilang-buhay noong June 2008.
Sa totoo lang, parang tunay na magkapatid at hindi lamang magkaibigan na matalik ang turingan  nina Jinggoy at Daboy sa isa’t isa. Nang makulong noon sina Jinggoy at Papa Joseph Estrada sa Veterans Memorial Medical Center, halos araw-araw na dumadalaw sa kanila si Daboy.

Nang si Daboy ang magkaroon ng sakit, hindi rin pumalya sa pagbisita sa kanya si Jinggoy.

Araw-araw din na magkausap sila sa telepono kaya ramdam na ramdam ni Jinggoy ang pagkawala ng kanyang bestfriend.

Maraming beses nang napatunayan ni Jinggoy ang pagiging ma­buting kaibigan at kahit wala na si Daboy, kapamilya pa rin ang trato niya kay Lorna at sa mga anak nito na sina Rap at Renz.

Ginanap ang birthday party ni LT sa isang lugar sa San Juan City. Dumalo sa party ang pamilya at close friends ni LT na nagulat dahil nag-trending topic sa Twitter ang kanyang birthday noong Linggo.

Ipinakita ng fans ni LT ang kanilang puwersa dahil nagawa nila na maging trending topic ang kaarawan ng idolo nila. Araw-araw na nadaragdagan ang followers ni LT dahil sumasagot siya sa mga tweet ng kanyang mga supporter.

Hindi siya kagaya ng ibang mga artista na masipag mag-tweet pero dedma sa mga question ng fans.

Kris pa-girl kay Daniel!

Maghapon akong nanood ng TV noong Linggo habang hinihintay ko ang pagdating sa bahay ng mga Christmas gift at pledges sa akin.

Daig ko pa ang nagpunta sa Roxas Boulevard dahil napanood ko sa TV ang live coverage ng parada ng mga artista.

Na-sight ko rin ang mga tukso kay Kris Aquino at sa kanyang crush na si Daniel Matsunaga. Matagal ko nang kilala si Kris at base sa mga body language at facial reactions niya, hindi puwedeng i-deny na affected siya sa mga panunukso sa kanila ni Daniel. May mga moment na pa-girl si Kris.

Huling nakita ang pa-girl moments ni Kris noong nag-uumpisa pa lamang ang relasyon nila ni James Yap.

Sa pagdating ni Daniel sa buhay niya, mukhang masisira ang pangako ni Kris na hindi muna siya makikipagrelasyon. Ano sa palagay n’yo?

Dyowa ni Aiai seloso, selos na selos sa ex ng comedy concert queen

May pakiramdam ako na seloso si Jed Salang, ang boyfriend ni AiAi delas Alas dahil ito ang umiiwas na madikitan siya ng mga mhin.

Ang balita ko, nagselos nang husto si Jed sa isang lalake na na-link noon kay AiAi. Hindi ko na sasabihin ang name ng mhin dahil happily married na ito pero in fairness sa kanila ni AiAi, nagkaroon sila ng happy moments noong kapwa pa sila mga single.

 

vuukle comment

ARAW

DABOY

DAHIL

DANIEL MATSUNAGA

EL PRESIDENTE

JINGGOY

SI AGIMAT

SI AKO

SI ENTENG KABISOTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with