^

PSN Showbiz

Andi naiipit uli sa gulo

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Kaya pala hindi tuwirang maamin ni Andi Eigenmann ang relasyong namamagitan sa kanila ng anak ng dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada at dati ring aktres na si Laarni Enriquez ay dahil sa parehong may kinikimkim na agam-agam sa sinasabing relasyon ng dalawa ang sari-sarili nilang ina.

Sinasabing tutol ang ina ni Jake Ejercito na isang dalagang ina ang makarelasyon ng kanyang anak. Tutol din naman si Jaclyn Jose na ang anak ng da­ting pangulo ang makarelasyon ni  Andi. Mas gusto niyang hanggang sa pagiging magkaibigan na lamang ang dalawa.

Pero ang lumabis pa rito ay tinututulan na niya.

Rufa Mae idinenay ng ex

Obvious na dahilan sa closeness ng kanilang friendship ay hindi ma-distinguish ang nararamdaman nina Boy 2 Quizon at Rufa Mae Quinto para sa isa’t isa. Nag-aapuhap pa ng isasagot ang apo ni Dolphy kapag natatanong tungkol dito.

Ang obvious ay maganda silang business partners, pero ’yung relasyong personal tulad ng pagiging mag-boyfriend ay hindi malinaw sa kanila. Kaya hindi nila malinaw na masagot kung nag-on ba sila at nag-break.

“Hindi naman naging kami,” pagtanggi ni Boy 2.

Isabel puwedeng isalba si Paolo

Gaano mang pagtanggi ang gawin ni Paolo Contis para malusutan ang sinasabing pagkakabaon niya sa utang, ang pagyayaring pinababalik ng ma­nager niya kay Isabel Oli ang ibinigay niya ritong engagement ring, na milyon daw ang halaga, para maisalba ang pagkakautang niya ay isang maliwanag na ebidensiya na may utang nga ang aktor. Malaking pagkakautang na kailangan niyang bayaran para mabura na ang masamang imahe ng tao sa kanya.

Patunay din ang singsing ng nakaraang ugnayan ng aktor sa aktres na halos humantong sa kanilang pagpapakasal dahil may engagement ring na sila.

Sa kasalukuyan, patuloy ang palitan ng salita ng dating magdyowang Paolo at Lian Paz at kung saan hahantong ang kanilang ginagawa ay silang dalawa lamang ang nakakaalam. Pero may magagawang remedyo rito ang manager ng aktor kung gugustuhin niya


 

 

vuukle comment

ANDI EIGENMANN

ISABEL OLI

JACLYN JOSE

JAKE EJERCITO

KAYA

LAARNI ENRIQUEZ

LIAN PAZ

PANGULONG JOSEPH

PAOLO CONTIS

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with