^

PSN Showbiz

Jolens hindi nagbi-birth control

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista - The Philippine Star

Hindi nagbi-birth control si Jolina Magdangal. Kung bibigyan ng baby ni Lord ay ipagpapasalamat nilang mag-asawa. Pero kung hindi pa, handa naman silang maghintay kung kailan sila mabibiyayaan ng anak.

Kaya plano pa rin nilang mag-asawa na mag-honeymoon kapag naging maluwag ang kanilang schedule. Type ni Jolens sa Alaska dahil malamig dun.

Tatlo ang shows ng aktres sa GMA 7Party Pilipinas, Protegé: The Battle For the Big Artista Break, at Personalan.

Pansamantalang naman silang naninirahan ng asawang si Marc Escueta sa mga in-laws nito sa Alabang at naghahanap pa ng bahay na matitirhan nila sa Quezon City.

Stage Actress umaasang makatrabaho uli ang direktor ng Bourne Legacy

Kilalang stage actress si Madeleine Nicolas dahil naging nominado na sa Manunuri ng Pelikulang Pilipino at ilang ulit nang naidirek ng mga magaga­ling at kilalang direktor.

Pero lalo siyang nakilala nang lumabas sa The Bourne Legacy bilang landlady nina Jeremy Renner at Rachel Weisz. Kasama niya sa pelikula ang mga local artist ding sina Joel Torre, John Arcilla, at Lou Veloso.

Nahasa ang talento ni Madeleine sa pag-arte dahil sa paglabas sa mga major theater group gaya ng Dulaang UP, UP, UP Playwright’s Circle, New Voice Company, at Tanghalang Pilipino. Lumabas na rin sa ibang pelikula at sa telebisyon ang stage actress.

Noong nakaraang taon nasabi sa kanya ng isang kaibigan na sa Maynila isasa-pelikula ang isa pang Bourne film at baka magkaroon ng audition at naimbitahan nga siya ni Julie Ysla na mag-audition. Nakapasa naman siya.

Tinanong si Madeleine kung paano ba makatrabaho sina Jeremy, Rachel, at ang direktor ng Bourne Legacy na si Tony Gilroy.

‘‘Wala akong tsansa na makausap sina Jeremy at Rachel dahil very brief lang ang eksena ganun din ang mga linya. Si Jeremy ay tahimik lang at naghahanda sa susunod na eksena kaya hindi ko na siya inabala pa. Nang matapos ang eksena ay ngumiti lang sila at nagpakuha ako ng picture with them.

“Napaka-cool ni Direk Tony at gusto ko siyang makatrabahong muli. He is very friendly,” sabi ng aktres.

vuukle comment

BATTLE FOR THE BIG ARTISTA BREAK

BOURNE LEGACY

DIREK TONY

JEREMY RENNER

JOEL TORRE

JOHN ARCILLA

JOLINA MAGDANGAL

JULIE YSLA

LOU VELOSO

MADELEINE NICOLAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with