^

PSN Showbiz

Kuwento ng ina, asawa, at kabit tampok sa MMK

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Mga babaeng gagawin ang lahat para ipaglaban ang kanilang karapatan sa iisang lalaki na kanilang minamahal ang tampok sa Maalaala Mo Kaya nga­yong Sabado (Agosto 18). Bibida sa pinakabagong episode sina Mylene Dizon, Aubrey Miles, Daria Ramirez, at Jake Roxas.

Matapos labanan ang mapang-abuso niyang biyenan (Daria), biglang pinalayas si Flor (Mylene) ng kanyang asawa na si Tony (Jake) na kalaunan ay lumayo, kasama ang ina at kanyang mga anak. Matapos ang mahigit isang taon na pagkakawalay sa pamilya, napagdesisyunan ni Flor na bumalik, ngunit laking gulat niya na may kinikilala nang bagong manugang ang kanyang biyenan, bagong asawa si Tony, at bagong ina ang kanyang mga anak — ang kinakasama ni Tony na si Sylvia (Aubrey).

Ano ang kayang gawin ng isang asawa at ina upang muling makuha ang loob ng kanyang pamilya? Anong nagtulak kay Flor upang kaibiganin ang kabit ng kanyang asawa?

Kasama nina Mylene, Aubrey, Daria, at Jake sa episode ngayong Sabado sina Deydey Amansec, Veronica Louise Bernardo, Steven Fermo, at Alexa Ilacad. Ito ay sa ilalim ng pananaliksik ni Akeem del Rosario, panulat ni Benson Logronio, at direksiyon nina Rechie del Carmen at Nick Olanka.

Huwag palampasin ang isa na namang heavy family drama ng Maalaala Mo Kaya pagkatapos ng Wansapanataym sa ABS-CBN.

vuukle comment

ALEXA ILACAD

AUBREY

AUBREY MILES

BENSON LOGRONIO

DARIA

DARIA RAMIREZ

DEYDEY AMANSEC

JAKE ROXAS

MAALAALA MO KAYA

MATAPOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with