^

PSN Showbiz

Dingdong mas piniling magbakasyon kesa mag-party!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - The Philippine Star

Sa halip na mag-party sa birthday niya today, dinala ni Dingdong Dantes ang buong pamilya at GF na si Marian Rivera sa Hongkong para doon mag-birthday. Kahapon sila umalis at sa Sunday ang balik, in time sa first Gala Night ng Protégé: The Battle for The Big Artista Break, kung saan, si Dingdong ang host.

Magiging busy si Dingdong, kaya minabuting magbakasyon kahit ilang araw lang. Sa kanyang pagbabalik, tuloy ang shooting ng One More Try at sisimulan na ang extensive promo ng Tiktik (The Aswang Chronicles) ‘di lang siya actor, isa rin siya sa producers ng pelikula thru’ his Agosto Dos Pictures.

Co-producers niya ang Reality Entertainment, Post Manila, Mothership Productions, at GMA Films sa direction ni Erik Matti. Curious kami sa sinasabing ‘green movie’ ang Tiktik na second try ni Dingdong na maging producer, the first time ay sa box-office hit na Segunda Mano.

Sa October 17 ang showing ng pelikula na inabot ng three to four months ang shooting, pero ang post-productions ay umabot ng eight months dahil 100 percent computer generated. Ang sound ay sa Bangkok pa ginawa.

Lauren Young magiging Kapuso na

Confirmed na lilipat sa GMA 7 ang ABS-CBN talent na si Lauren Young at si Pia Magalona ang manager nito at co-manager ang GMA Artist Center. Inaayos na ang dapat ayusin sa paglipat ng young actress na ikinatataranta ng JuliElmo fans nina Julie Anne San Jose at Elmo Magalona dahil nali-link kay Elmo si Lauren.

Tiniyak ng GMAAC at ni Pia na hindi magiging threat sa JuliElmo love team si Lauren at bibigyan ito ng ibang kapareha ‘pag nasa GMA 7 na. Alam din nina Pia at Lauren na marami sa JuliElmo fans ang ayaw na lumipat si Lauren sa Ch. 7.

Ruffa at Derek titingnan ang chemistry

Nasa ibang bansa si Ruffa Gutierrez para sa kanyang summer break, sa latest tweet nito, nasa Ibiza sila ng mga kasama, galing ng St. Tropez at dederetso sa London. Dahil wala rito, hindi ito matanong sa tsismis sa kanila ni Derek Ramsay at ang biruan, ang actor ang susundan nito sa London.

Hindi pa naman siguro huli kung isasama si Derek sa eco-serye ng TV5 na Enchanted Garden para ma-test kung may chemistry sila ni Ruffa at kung tatanggapin ng tao ang kanilang tambalan.

Samantala, masaya ang mga taga-TV lalo na sina direk Joel Lamangan at Eric Quizon sa magandang feedback sa Enchated Garden. For two days, nagti-trending ito sa Twitter at ang hinihintay na lang ay ang ratings result.

Ang latest... buong linggo sa ere

Kasama sa pupunta sa Salamat Kapatid: The All-Star TV5 Fans Day sa Sunday, sa Smart-Ara­neta Coliseum, 9:00-6:00 p.m., ang bagong hosts ng Ang Latest! ang showbiz talk show ng TV5 na kapalit ng Paparazzi  at Juicy na mapapanood na mula Monday to Sunday star­ting this Saturday, August 4. First time sa local TV ang concept na ito.

May three version ang show. Every Saturday, tatawagin itong Ang Latest Updated, 10:30 a.m., ang airing time. Sunday to Friday, tatawaging Ang Latest Uplate, 12:00 mn., ang time slot at may Ang Latest Up to The Minute, one minute report twice a day everyday during Will Time Bigtime at sa oras na may pelikulang palabas.

Hosts ng Saturday episode na mala-The View ang concept sina Cong. Lucy Torres-Gomez, Amy Perez, Mr. Fu at Cristy Fermin. Host ng Monday to Sunday episode na mala-TMZ  ang concept si Cristy at alternate sina Lucy at Amy. May segment si Dolly Anne Carvajal at may feature si IC Mendoza at kasama pa rin si Shalala.

vuukle comment

AGOSTO DOS PICTURES

AMY PEREZ

ANG LATEST

ANG LATEST UP

ANG LATEST UPDATED

ANG LATEST UPLATE

ARTIST CENTER

ASWANG CHRONICLES

LAUREN

LAUREN YOUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with