^

PSN Showbiz

Eula Valdez may matinding banta

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Heto manggugulo na si Eula Valdez sa Walang Hanggan sa pagpasok ng kanyang misteryosong karakter na si Black Lily. 

 “Kung akala ng lahat na tapos na ang kanilang mga problema, nagkakamali sila. Dahil sa pagdating ni Black Lily, sinisiguro kong magbabago ang takbo ng buhay ng mga Montenegro at Guidoti,” pagbabanta ni Eula sa mga nanonood ng serye ng ABS-CBN.

At ini-expect niya, mas tataas ang rating ng programa pagpasok niya.

Sa pagpasok ni Black Lily sa eksena, tunghayan ang rebelasyong gugulantang sa lahat. Ano ang kinalaman ni Black Lily sa buhay ni Daniel? Paano siya makaaapekto sa takbo ng buhay nila Emily (Dawn Zulueta), Marco (Richard Gomez), Nathan (Paulo Avelino), Katerina (Julia Montes), Lola Henya (Susan Roces) at Donya Margaret (Helen Gamboa)? Sino nga ba si Black Lily - kaibigan ba o kalaban?

Nico manggugulat sa posas

Pramising ang trailer ng indie film na Posas, isa sa mga pelikulang kasali sa gaganaping 2012 Cinemanila na mag-uumpisa na sa July 20.

Bukod sa interesting ang kuwento, sa trailer ko pa lang napapanood ‘yun ha, mukhang lumabas ang acting ng bida sa pelikulang si Nico Antonio na madalas mapanood sa mga palabas ng ABS-CBN.

Hindi pa natatagalan nang mapanood siya sa Reputasyon kung saan pinatunayan niya ang kanyang pagiging versatile actor.

Pero nagpapaka-humble si Nico, marami pa raw siyang kailangang gawin para mas magaling na aktor. Lumutang na ang galing niya sa pelikulang Magkakapatid kung saan na-nominate siya for Best Supporting Actor sa ENPRESS Golden Screen Award.

Unang napanood si Nico na isa ring taekwondo black belter with eight-pack abs (hindi six ha) sa Panday as an extra sa mga fight scenes. At doon na nag-umpisa ang lahat. Nagsunud-sunod na ang mga project niya sa ABS-CBN.

Pero bukod sa pag-arte, nadiskubre rin ni Nico ang kanyang kakaibang talent sa pagkanta kaya naman hinasa niya ang kanyang boses under the tutorship of Kitchie Molina and Monet Silvestre.

Nakasama siya sa grupong Voizboys na binuo ni Mr. Johnny Manahan with Tom Rodriguez, Guji Lorenzana and Jay-R Siaboc. In fairness humataw ang grupo nila at nagkaroon sila ng three major concerts and recording album.

Passion for Nico ang ginagawa niya sa showbiz. Pero kahit nagso-showbiz siya hindi siya nagpabaya sa pag-aaral. Graduate siya ng European studies sa Ateneo de Manila University at enrolled kasalukuyan sa San Sebastian College para mag-abogado. Hinahati niya ang oras sa pag-aabogasya at showbiz.

Kaya naman proud si Atty. Joji Alonzo ng Quantum Films sa kanyang anak. Si Atty. Joji ang producer ng Posas at ayon kay Nico ay nakakaramdam siya ng pressure.

“Masaya po ako dahil prinodyus ako ng nanay ko. Blessing ’yon. I mean, hindi lang naman ako ang prinodyus ng magulang nila. Marami naman po kami eh. Pero ang pagkakaiba ko lang siguro is sa akin po, hindi ko naman hinahangad sumikat,” sabi ni Nico.

Si Jestoni si Nico sa Posas, nasa early 20s pero notorious snatcher na at binibiktima ang tao sa lugar ng Quiapo. Hanggang mahuli siya ng mga pulis nang minsang hablutan niya ng cellphone ang isang call center agent. At doon na magsisimula ang matinding kuwento kung saan na-witness niya ang human rights violation bluntly executes and how culture of corruption deviously perpetuates in this chain of institutions.

Ang movie ay dinirek ni Lawrence Pajardo na nag-aral ng film and theater sa University of St. La Salle Bacolod at nag-intern kina Peque Gallaga, Lore Reyes and Erik Matti.

Isa lang ang Posas sa tatlong pelikulang suportado ni Atty. Joji sa Cinemalaya – ang dalawa pa ay ang Oros at Requieme.

vuukle comment

BEST SUPPORTING ACTOR

BLACK LILY

DAWN ZULUETA

NICO

NIYA

PERO

POSAS

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with