^

PSN Showbiz

Laban ng Two Wives, magsisimula na, City Hunter babalik!

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Buo ba ang loob mo na ikaw lang ang babae sa buhay ng asawa mo? Naranasan mo na bang magkagusto sa lalaking may asawa na? Kaya mo pang ipaglaban ang karapatan mo bilang tunay na asawa? Kaya mo pang ipaglaban ang pagmamahal na alam mo sa umpisa’y mali na?

Magsisimula na ang pinakamabigat na laban ng dalawang babaeng nagmahal sa iisang lalaki ngayong Lunes (July 9) sa pag-uumpisa ng Koreanovelang Two Wives sa ABS-CBN.

Kilalanin ang dalawang babaeng palaban na sina Yvonne at Janine na gagawin ang lahat para sa pag-ibig ng kapwa nila pinakamamahal na si Victor. Si Yvonne, ang first wife, ay naniniwalang buo ang kanyang pamilya habang si Janine, ang second wife, ay naghahanap ng pamil­yang buo.

Sa oras na mabunyag ang lihim ng ba­wal na pag-ibig, pipiliin ni Victor si Janine ha­bang si Yvonne naman ay magpapasyang magparaya at tuluyan ng ipaubaya ang asawa sa pamilya ng kanyang kerida. Magpapatuloy ang buhay ni Yvonne kasama ang kanilang supling habang magsisimula ng panibagong buhay sina Janine at Victor na dadalhin pa sa harap ng altar.

Sa hindi inaasahang pangyayari ay ma­ak­sidente si Victor at sa kanyang paggising tanging ang kinagisnang buhay kay Yvonne ang kanyang maalala. Paano haharapin ni Janine ang pagbabagong ito? Babalikan pa ba ni Yvonne si Victor? Ano ang kayang gawin ng dalawa para sa pag-ibig?

Pakatutukan ang Two Wives bago ang pinakabagong magpapakilig sa inyo tuwing PrimeTanghali, ang Be Careful With My Heart, tampok sina Jodi Sta. Maria at Richard “Papa Chen” Yap.

Pagkatapos ng drama sa umaga, tunghayan naman ang aksiyon sa hapon hatid ng pagbabalik ng Korean superstar Lee Min Ho sa City Hunter Returns simula rin ngayong Lunes (July 9). 4:20 PM pagkatapos ng Kung Ako’y Iiwan Mo.    Tinaguriang biggest and most expensive Korean series of 2012, hatid ng most requested at top-rating na City Hunter ang kuwento ni Johnny Lee at ang kanyang paghahanap ng hustisya sa nasirang ama.

 

vuukle comment

BE CAREFUL WITH MY HEART

CITY HUNTER

CITY HUNTER RETURNS

IIWAN MO

JANINE

JODI STA

JOHNNY LEE

KAYA

KOREANOVELANG TWO WIVES

YVONNE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with