^

PSN Showbiz

Katrina gamit na gamit si Marian sa publicity

SEEN SCENE - The Philippine Star

Seen : Si Congressman Manny Pacquiao habang nagbabasa ng Bible sa Presidential Lounge ng NAIA .

Dumating kahapon nang umaga si Pacquiao mula sa Los Angeles, California.

Scene : Mula sa NAIA, tumuloy si Congressman Manny Pacquiao sa Midas Hotel at dito siya sinalubong nina GMA Network Inc. CEO Atty. Felipe L. Gozon at GMA President Jimmy Duavit.

Seen : Kaplastikan para sa fans ni Ma­rian Rivera ang imbitasyon ni Katrina Halili na maging ninang sa binyag ng anak nito ang kanilang idol.

Matapos siraan si Marian sa Twitter noong Abril, hindi pa tapos si Katrina sa panggagamit sa kanya.

Scene :  Closed to the public kahapon ng umaga hanggang 2:00 p.m. ang Enchanted Kingdom dahil dito ang venue ng Family Day ng mga empleyado ng GMA Network Inc.

Seen : Ang madalas na pagdalaw kay Dolphy sa Makati Medical Center ng kanyang pamilya at mga kaibigan.

Naka-confine si Dolphy sa MMC mula pa noong June 9 at ngayong Father’s Day, inaasahan na nasa bedside niya ang kanyang mga anak.

Scene : Hindi masyadong nagustuhan ng moviegoers ang kuwento ng Kimmy Dora and The Temple of Kiyeme dahil mas entertaining ang Kimmy Dora, Kambal sa Kiyeme, ang unang Kimmy.

Inihahanda na ng mga producer ng pelikula ang 3rd installment ng Kimmy Dora.

Scene : Live na mapapanood ngayong tanghali mula sa Delta Theater, Quezon City ang Game ‘N Go ng TV5.

Ang Game ‘N Go ang sagot ng TV5 sa Party Pilipinas ng GMA 7 at ASAP Rocks ng ABS-CBN.

vuukle comment

ANG GAME

DELTA THEATER

DOLPHY

ENCHANTED KINGDOM

FAMILY DAY

KIMMY DORA

N GO

NETWORK INC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with