^

PSN Showbiz

Ramdam na ramdam ang may anak Agot, nanay na!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - The Philippine Star

PIK: Itinatanggi ni Bea Binene ang intrigang ayaw na niyang gawin ang Luna Blanca dahil sa ayaw na niyang magpaitim.

Tuwang-tuwa nga raw siya dahil pagkatapos ng Alice Bungisngis and Her Wonder Walis ay meron na kaagad na kasunod na Luna Blanca.

Pagkatapos kasi nina Jilian Ward at Mona Louise Rey na lumalaki na ang kanilang karakter, sina Bea na ang gaganap nito kasama si Barbie Forteza.

Hanggang ngayong araw na lang ang Alice Bungisngis at papalitan na ito ng Daddy Dearest.

PAK: Nung na-announce ng magkasintahang Precious Lara Quigaman at Marco Alcaraz ang kanilang pag-iisang-dibdib, tinanong namin ang aktor kung iimbitahan ba nito ang dati niyang manager na si Arnold Vegafria.

Napangiti lang si Marco at sinabi lang niya sa amin na matagal na silang hindi nagkikita ni Arnold.                  

Tinanong naman namin si Arnold kung sakaling padadalhan siya ng imbitasyon nina Marco at Lara, dadalo ba siya?

Hindi rin kami sinagot ng talent manager at natawa lang.                 

Malaki ang nagawa ni Arnold kaya nakapasok sa showbiz si Marco pero hindi lang maganda ang kanilang paghihiwalay.

BOOM: Isa na palang ina ngayon si Agot Isidro! Iyan ang ibinalita niya sa amin sa presscon ng kauna-unahang drama series niyang One True Love na magsisimula na sa GMA Telebabad sa Lunes.

Isa na palang foster parent si Agot na kung saan meron siyang inaalagaang bata habang walang kumukuha na magulang o gustong mag-adopt.

Hindi pa kasi naranasan ni Agot kung paano mag-alaga ng baby kaya tuwang-tuwa ngayon dahil bagong challenge ito sa kanya at kahit paano ay nararamdaman niya ang maging ina.

Bilang paghahanda raw ito ni Agot kapag gusto na niyang mag-adopt ng baby. Pero sa ngayon ay sa foster parenting muna siya nai-involve na kung saan binigyan muna ang singer-actress ng license ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) bago siya binigyan ng baby na aalagaan.

vuukle comment

AGOT

AGOT ISIDRO

ALICE BUNGISNGIS

ALICE BUNGISNGIS AND HER WONDER WALIS

ARNOLD VEGAFRIA

BARBIE FORTEZA

BEA BINENE

LUNA BLANCA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with