^

PSN Showbiz

Mark nagsisipag para makabili ng sariling bahay

- Veronica R. Samio -

Looking fresh si Mark Anthony Fernandez nang humarap sa media para sa bago niyang te­le­serye na Makapiling Kang Muli kung saan bida-kontrabida ang role niya. He’s too humble to attribute his good looks to a good makeup foundation. Pero obvious na ang freshness niya goes beyond this. Sabi niya na­­ka­pagpahinga siya nang husto. Matagal-tagal na ring natapos ang huli niyang seryeng Munting Heredera kaya nakabawi siya ng pahinga.

Sinabi niyang magpapakasipag siya dahil gusto niyang bumili ng bahay. ‘Yung bahay na tinitirhan niya ay bigay pa sa kanya ni Rudy Fernandez. Gusto naman niyang magkaroon ng bahay mula sa sarili niyang pagsisikap.

Nang matanong tungkol sa kanyang ina ay sinabi niyang masaya siya sa desisyon ng kanyang inang si Alma Moreno na tumakbong senador.

“Type niyang maging senador. Palagay ko ay magiging comfortable siya bilang senador at alam ko kaya niya at may magagawa siya sa Senado, maski man lamang maging ice breaker,” sabi niya.

Nang tanungin kung may balak din siyang pumasok sa pulitika, sinabi niyang “Wala, balak ko lang pagandahin ang craft ko. Sila Rap at Renz na lang. Baka sila may interes pero ako wala talaga. Okay na ako sa pag-aartista. Mahal ko ang industriya, dito na lang ako,” sabi niya sabay banggit na may isang pelikula ang kanyang ama na napanood niya.

Kung may ire-revive siyang pelikula ni Daboy, ang Star na ang gusto niya. Wala ni isa man sa mga kausap niya kasama na ako ang nakatanda ng nasabing pelikula. Sinabi niyang maganda raw ito at at may kissing scene ang kanyang ama kay Eddie Garcia.

May time na si Mark na pumunta ng gym regularly. Kaya maganda ang pangangatawan niya. Hirap siyang alisin ang kanyang paninigarilyo kaya bumabawi na lang siya sa paggi-gym at pag-inom ng maraming tubig.

Tatlo na ang kanyang anak pero, ayaw niyang sabihin ang mga edad nila dahil malalaman daw ang edad niya.

Nilinaw din niya na hindi siya tumatangging makitambal kay Claudine Barretto.

Benedict Campos, Vera Perez ang nakadiskubre

Hindi ko alam na tulad ni Kuya Germs ay dumidiskober na rin ng talent si Lillibeth Vera Perez Nakpil, isa sa mga anak ng founder at president ng Sampaguita-Vera Perez Pictures na si Dr. Jose R. Perez.

Hindi ito ginagawang hanapbuhay ng isa sa magkakapatid na Perez (Marichu Maceda, Gina de Venecia, Chona, atbp.) manapay isa itong pagtulong sa mga anak ng kaibigan, kaibigan ng kaibigan na gustong maging artista pero, hindi alam kung paano.

Tulad ng binibuild-up ng Kapuso Network na si Benedict Campos, 22 years old na graduate ng La Salle University sa kursong Political Science. He was discovered by Lillibeth at na-introduce sa Together Forever. Kasama rin siya sa Makapiling Kang Muli bilang kapareha ni Janine Gutierrez at kapatid ni Carla Abellana.

Nakapirma sa limang taong contract si Benedict sa GMA Artist Center.

vuukle comment

ALMA MORENO

ARTIST CENTER

BENEDICT CAMPOS

CARLA ABELLANA

EDDIE GARCIA

JANINE GUTIERREZ

MAKAPILING KANG MULI

NIYA

NIYANG

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with