^

PSN Showbiz

Juday tinanggihan ang milyun-milyong offer ng sabon

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

May offer pala kay Judy Ann Santos na mag-endorse ng isang brand ng detergent at kahit maganda ang offer pati ang talent fee, hindi pa rin niya tinanggap ang offer.

Ang katuwiran ni Judy Ann, hindi maniniwala ang tao na magkaibang brand ng detergent ang gamit nila sa bahay dahil nauna nang nag-endorse si Ryan Agon­cillo ng detergent. Pinatunayan ng aktres na hindi lahat ng bagay ay nakukuha sa pera.

In the same way na hindi rin tatanggapin ni Ryan ang movie offer ng Unitel Pictures na entry sa December filmfest kung matutuloy si Judy Ann sa movie nina Sen. Bong Revilla, Jr. at Vic Sotto.

Bukod sa ayaw ni Ryan na magbanggaan ang pelikula nila ni Judy Ann, ayaw niyang intrigahin sila.

Jackie kawawa sa malalaking kamay ni Angelika

Balik-kontrabida si Angelika dela Cruz sa afternoon soap ng GMA 7 na Kasalanan Ba ang Ibigin Ka? bilang si Leslie, anak ni Jaime (Michael de Mesa) at kapatid ni Jake/Joaquin (Geoff Eigenmann). Dahil bad siya rito, i-expect na nating may sasampalin siya, kawawa raw si Jackie Rice sa malalaki niyang mga kamay.

Ayos lang kay Angelika na kontrabida siya rito lalo’t maganda ang role at gusto rin naman niyang paiba-iba ang ginagawa. May challenge kung minsang inaapi siya at minsan ay siya ang nang-aapi kaya abangan ang mga eksena niya rito. Sa direction ni Mark Reyes, sa June 4 ang pilot ng Kasalanan Ba ang Ibigin Ka?

Iwa naghahanap ng pamilya kaya laging nakakarelasyon ang mga lalaking may anak na

Balak mag-adopt ng baby ni Iwa Moto, payo ito sa kanya ng mga kaibigan, para mapunan ang paghahanap nito ng pamilya. Ang feeling ng friends ni Iwa, ang kagustuhang magkaroon ng sariling pa­milya ang isa sa mga rason kung bakit laging may mga anak ang nagiging BF ni Iwa.

Una na si Mickey Ablan na naging close ang anak kay Iwa. Next si Leandro Muñoz na may anak din, at si Pampi Lacson na may anak din kay Jodi Sta. Maria. Si Edgar Alan Guzman lang ang na­ging BF noon ni Iwa na walang anak.

Siyanga pala, may show bukas sina Iwa at Edgar Allan sa Music Box billed Magkikita Muli-The Ex Factor. Sana, walang BF/GF na sumugod sa show. 

vuukle comment

ANAK

ANGELIKA

BONG REVILLA

EDGAR ALAN GUZMAN

EDGAR ALLAN

GEOFF EIGENMANN

IBIGIN KA

IWA

JUDY ANN

KASALANAN BA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with