^

PSN Showbiz

Kahit anong pilit, Annabelle ayaw nang patulan si Nadia

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK: As of presstime may nakatakda na presscon si Nadia Montenegro na kung saan inimbita ang ilang malalapit na kaibigan sa press.

Kasama ni Nadia na haharap sa press ang kanyang abogadong si Atty. Maggie Abraham.

Ang buong pagkakaalam namin, kahapon ni-raffle kung saang korte didinggin ang kasong libel na isinampa ni Nadia laban kay Annabelle Rama. Pero wala pa kaming alam kung bakit wala pang announcement mula sa dalawang kampo.

Si Tita Annabelle naman ay tahimik lang sa mga nangyayari at kahit anong pilit namin na magsalita siya, pinapasa na lang kami sa abogado niya.

Mananahimik na lang siya at asikasuhin ang schedule ng mga alaga niya.

Wala pa kaming ideya kung ano ang ia-announce ni Nadia sa ipinatawag na presscon. Wala pa siyang sinasabi kung may bago siyang pasa­sabugin laban kay Tita Annabelle.

PAK: Ibinuking ni Krista Kleiner na nililigawan siya uli ni JayR na magkabalikan na sila. Pahayag ni Krista nang nakatsikahan namin sa event ng Mega Magazine nung nakaraang Martes: “Sana Jay, huwag kang magalit sa akin. Nililigawan niya ako ngayon, he’s making lambing. 

“Ini-entertain ko naman siya. It’s not like I’m mad at him na ayokong buksan ’yung pinto. Ayokong sumama sa kanya, but we’re just taking our time at things. 

“Kung may possibility, only time will tell ’di ba?”

BOOM: Ang latest na nakalap namin sa isyu nina Katrina Halili at Ma­rian Rivera, napag-ayos naman sila nang magkasama sila sa taping ng My Beloved kamakalawa lang.

’Yun naman ang gusto nilang mangyari para hindi na magkaproblema sa taping. 

Napag-alamang nanganganib na matsugi ang My Beloved kung patuloy pa rin ang iringan nina Marian at Katrina. Since naayos naman sila, malamang na ma-extend pa ito hanggang June.

vuukle comment

ANNABELLE RAMA

KATRINA HALILI

KRISTA KLEINER

KUNG

MAGGIE ABRAHAM

MEGA MAGAZINE

MY BELOVED

NADIA

NADIA MONTENEGRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with