^

PSN Showbiz

Angeline Quinto nag-inarteng makahalikan si Coco

- Ni Jun Nardo -

MANILA, Philippines - Matutuloy pa rin daw ang naudlot na pelikula nina Coco Martin at Angeline Quinto. Ang tsismis, kaya natigil ang shooting ng movie dahil may eksenang kissing scene ang dalawa at diumano ay umaayaw ang singing search winner.

Eh, mukhang pumayag na raw si Angeline na makipaghalikan kay Coco kahit diumano ay labag sa loob niya.

Sa rami ng mga artistang babae na gustong makahalikan ang prime actor ng Channel 2, wala raw dahilan upang tumanggi si Angeline, huh!

Well, malalaman natin once mag-resume ang pelikula kung magagawang lunukin ni Angeline na maki­paghalikan kay Coco.

Dingdong at Marian, sinariwa sa resort ang simula ng kanilang relasyon

Aalalahanin nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang kanilang nakaraan sa isang resort sa Zambales na pinuntahan nila kahapon para mag-taping ng My Beloved.

Naging memorable ang resort na ‘yon kina Dong at Yan five years ago dahil doon din nila tineyp ang una nilang series. Eh, sa tweet ng actor, wala naman siyang sinabi kung sa nasabing resort nabuo ang pagmamahalan nila ng aktres.

Kasi naman, never nilang inilabas sa publiko kung kelan ang anniversary nila. Gaya nang sabi nila, hindi sila nagsi-celebrate ng kanilang anniversary. Ayaw ngang sabihin ni Dong kung anong series ang naging daan upang maging lovers sila, huh!

Two days mananatili sina Dong, Marian, at iba pang cast ng MB. Kaya naman mapuno man ng pagmamahalan ang lugar, binabalikan lang ng lovers ang masasaya nilang araw.

Ex ni Aiza grabeng mag-presyo!

Sa pagma-manage ng talents nauwi ang ex girlfriend ni Aiza Seguerra na si Chen Sarte matapos silang maghiwalay. Noong sila pa kasi ni Aiza, ipinamahala nito sa girlfriend ang pamamahala ng kanyang career.

Mahal ngang maningil ni Chen sa bawat booking ni Aiza, huh! Nagtiis na lang ang gustong kumuha sa singer kahit mahal ang presyong ibinabato sa nag-i-inquire.

Eh ngayong may bago siyang singer na alaga, hindi naman siguro ipapareho ni Chen ang career path nito kay Aiza, huh!

Bossing Vic ilang araw na-hospital!

Nagpapagaling na si Vic Sotto na naospital din ng ilang araw dahil sa overfatigue. Kaya na­­man kung minsan, bo­ses lang ang naririnig sa kanya sa Eat Bulaga upang makaniig ang followers na nakaka-miss sa kanya.

Eh, next week, me­rong show sa Cow Pa­lace sa San Francisco ang EB Dabarkads. Hin­­di puwedeng mawala si Vic lalo na’t present din sa show sina Joey de Leon at ang utol niyang si Senador Tito Sotto na Lenten break sa Senado.

So malamang na pag­­­kagaling sa San Fran­­cisco at saka live na mapapanood si Bossing sa noontime show.

      

vuukle comment

AIZA

AIZA SEGUERRA

ANGELINE QUINTO

BOSSING VIC

CHEN

CHEN SARTE

COCO MARTIN

COW PA

DINGDONG DANTES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with