^

PSN Showbiz

TV5 mamumudmod ng datung!

-

MANILA, Philippines - Mahigit P3 milyon ang ipamimigay sa grand raffle draw ng Kapatid New Year Pabuenas na gaganapin ngayong Sabado (Marso 10) sa activity center ng SM San Lazaro sa Manila.

Ngunit bukod sa limpak-limpak na pa-premyo, maraming artista rin ang inaasahang dadalo sa Sugod mga Kapatid event ng TV5.

Bukas sa lahat ng Kapatid ang libreng pagtitipon mula 10:00 am hanggang 7:00 pm at tinatayang magpapamudmod ng sandamakmak na premium items mula sa mga pakulong inihanda ng Kapatid Network pati na rin ang mga kaabang-abang na booth ng Singko at ng mga sponsor nito.

Makakasama rin ang lead star ng Felina na si Arci Muñoz at ang cast ng Kapitan Awesome na sina Andrew E., Stephanie Sol at Alchis Galura kasama pa ang ibang mga suprise guests mula sa iba’t-ibang programa ng TV5.

Dalawampung (20) katao ang maaaring mag-uwi ng tig-P10,000 habang apat naman ang mag-uuwi ng tig-P 500,000. Isang masuwerteng contestant naman mula sa mahigit 1 milyong entry sa kabuuan ng promo period (Enero 2 hanggang Pebrero 24) ang mananalo ng P1 milyon! Mahigit 5,500 na rin ang nanalo ng P100 SMART load sa pamamagitan ng electronic draw.

vuukle comment

ALCHIS GALURA

ANDREW E

ARCI MU

KAPATID

KAPATID NETWORK

KAPATID NEW YEAR PABUENAS

KAPITAN AWESOME

MAHIGIT

SAN LAZARO

STEPHANIE SOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with