^

PSN Showbiz

Cesar at Sam kung saan-saan pumuwesto sa kanilang love scene

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Siguradong madadagdagan ang magkaka-crush kay Sam Pinto ’pag pinanood ang Hitman na opening ngayon dahil sa mga eksenang naka-swimsuit siya at may love scene pa kay Cesar Montano. Kung saan-saan kinunan ang love scene ng dalawa, pero sabi ng aktor, kahit si Sunshine Cruz ay nakulangan.

Pero may bathtub scene ang dalawa.

Julie Anne pinu-push ng GMA

Ang dami pala talaga ng fans ni Julie Anne San Jose at napatunayan ito sa maraming nag-react sa Twitter nang ibalitang pumirma ito ng recording contract sa GMA Records last Monday. Tu­wang-tuwa ang mga fans na nagtutulung-tu­long ang GMA Network at GMA Records na i-push na finally ang career ng dalaga.

Nagsimula nang mag-recording si Julie Anne ng kanyang 10-track album na sabi ng producer na si Alwyn Cruz ay self-titled album.

Oyo nag-emote, Valiente wala raw promo

Ano ba ’yan? Kung si JC de Vera hindi ikinatuwa ang move ng TV5 na ilipat ang time slot ng Valiente, iba naman ang isyu ni Oyo Sotto. Nagtanong ito sa Twitter kung bakit hindi napo-promote ng husto ang teleserye nila ni JC.

In fairness sa TV5 at Archangel Media, pino-promote ang Valiente, hindi lang siguro nababasa ni Oyo at nakikita ang print ad nito sa mga diyaryo.

Ayon na rin sa tweet ni Oyo, sa Monday ay lalabas na sila ni JC at mas madodoble ang interes ng viewers.

vuukle comment

ALWYN CRUZ

ARCHANGEL MEDIA

CESAR MONTANO

JULIE ANNE

JULIE ANNE SAN JOSE

OYO

OYO SOTTO

SAM PINTO

SUNSHINE CRUZ

VALIENTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with