^

PSN Showbiz

Lumalakas ang ebidensiya: Magandang aktres kabuntot lagi ang cute na tibo

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Natsitsismis na girlfriend ng isang cute na tomboy ang aktres dahil palagi silang nakikita na magkasama.

Na-sight ang tibo sa isang showbiz event kamakailan kaya naghinala ang mga reporters na naroroon ang aktres na nali-link sa kanya. True enough, nandoon nga ang aktres kaya lalong lumakas ang duda na may relasyon na namamagitan sa dalawa.

Hindi nagtataka ang mga reporters kung sakaling ma-in love ang aktres dahil cute ang tivoli na lalaking-lalaki ang hitsura. Minsan nang na-link ang cute tivoli sa isang sikat na aktres.

Maganda ang aktres na natsitsismis ngayon sa tivoli. Mga guwapo at kilala ang mga mhin na naging karelasyon noon ng aktres kaya news para sa kanyang friends ang pagkakaugnay niya sa kapwa babae.

TV5 ipinakita ang mga importanteng eksena sa Romulo-Soledad wedding

Ang exclusive coverage ng Paparazzi sa Romulo-Soledad wedding ang tinutukan ko kahapon dahil hindi ako dumalo sa kasalan na naganap noong nakaraang Linggo.

Gandang-ganda ako kay Shalani, lalo na sa kutis niya na mamula-mula kapag walang makeup na nakalagay sa kanyang face.

Maganda ang coverage ng TV5 dahil naipalabas nila sa TV ang lahat ng mga importanteng eksena.

Mahilig sa kasalan ang mga Pinoy kaya sure ako na marami ang nanood kahapon ng exclusive coverage ng Paparazzi sa pag-iisang dibdib nina Shalani at Papa Roman na nag-honeymoon sa Paris, France at magsisimba sa Rome, Italy.

Ang wedding coverage ng Paparazzi ang tinutukan ko kahapon kaya hindi ko alam kung natuloy ang guesting ni Cloie Concepcion sa ASAP Rocks.

Nang pumirma si Cloie ng kontrata sa Viva Entertainment noong Miyerkules, ikinuwento niya sa mga reporters na may guesting siya kahapon sa ASAP at kakanta sila ng kanyang kapatid na si KC Concepcion.

Eh hindi na ako naglipat ng channel dahil ang wedding nina Shalani at Papa Roman ang binantayan ko. Hindi ko tuloy alam kung natuloy ang TV guesting ng anak nina Jenny Syquia at Gabby.

Garie dinamayan ang ina sa London

Lumipad agad sa London, UK si Garie Concepcion para samahan ang kanyang ina na nagluluksa dahil sa pagkamatay ni Negros Occidental Congressman Iggy Arroyo.

Nang kumalat ang balita na sumakabilang-buhay si Papa Iggy, nakatanggap ako ng text message mula kay Garie. Nag-request siya ng prayers para sa long-time companion ng kanyang Mommy Grace Ibuna.

Nagulat na lang ako nang mapanood ko si Garie sa isang news program noong Sabado dahil nasa London na siya at magkasama sila ng panganay na anak ni Papa Iggy as in magkasundung-magkasundo ang dalawa. Nakakabilib si Garie ha? Talagang nag-goodbye Philippines siya para damayan ang kanyang nagluluksa na ina.

Isabel bumalik kay James?

Hindi rin nagtagal ang relasyon nina Gab Valenciano at Isabel Oli pero imbes na magmukmok, lalong gumanda ang dalaga.

Sa ganda ni Isabel, hindi siya mawawalan ng manliligaw. Kita n’yo naman, nabuhay uli ang lumang isyu tungkol sa kanila ni James Yap nang makumpirma na hiwalay na sila ng anak ni Gary Valenciano.

vuukle comment

AKTRES

CLOIE CONCEPCION

DAHIL

GAB VALENCIANO

GARIE

GARIE CONCEPCION

PAPA IGGY

PAPA ROMAN

SHALANI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with