^

PSN Showbiz

Pumirma rin ng kontrata sa Viva, dalawang anak ni Ruffa, sasabak na rin sa showbiz

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Hindi lang pala sina Ruffa, Raymond at Richard Gutierrez ang pumirma ng kontrata sa Viva Artists Agency, para ang VAA ang mamahala sa endorsements ng magkakapatid. Pumirma rin ng kontrata ang mga anak ni Ruffa na sina Lorin at Venice, hindi nga lang sila humarap sa press.

After the contract signing, hindi agad umalis sa Viva Entertainment office ang Gutierrez siblings at si Annabelle Rama dahil nakipag-brainstorming pa kay Mr. Vic del Rosario ng projects na kanilang gagawin.

In-announce ni Boss Vic na gusto niyang pagtambalin sa pelikula sina Richard at Sarah Geronimo at very much welcome ito kay Richard. Sabi nito: “Matagal ko nang gustong gumawa ng movie with her, matagal nang sinasabi ni Boss Vic. She’s a good actress, sana matuloy na soon.”

Gabby Concepcion nawawala, habang nagre-reunion ang tatlong panganay

May production number daw sina KC Concepcion at kapatid na si Cloie Concepcion, anak ni Gabby Concepcion kay Jenny Syquia, sa ASAP sa Sunday.

Si Mr. Vic del Rosario raw ang may sabi, ibig kayang sabihin, magsu-showbiz na rin si Cloie o kaya lang nalaman ni Boss Vic ang tungkol dito dahil sinabi ni KC na talent na niya?

Hindi sinabi sa amin kung kakanta o sasayaw ang magkapatid, pero bakit hindi pa isama sa production number nila si Garrie Concepcion, anak ni Gabby kay Grace Ibuna, para mas masaya. Singer at recording star ng Star Records ang dalaga at hindi na mahihirapan ang ABS-CBN na imbitahan siya.

Napapansin ng press na nawawala sa eksena si Gabby habang nagre-reunion ang kanyang mga dalagang anak na panganay.

Controversial actress nakikipaglaro na lang sa mga lalaki

Ibang lalaki na naman ang kasama ng controversial actress sa picture nito sa Facebook. Ilang araw pa lang magkakilala ang aktres at ang aktor, hindi pa siguro sila, pero baka nasa ligawan stage na.

Kung kani-kanino nali-link ang aktres mula nang mag-break ng matagal na niyang BF. Mukhang nakikipaglaro lang ito sa mga bagong kakilala, her way of coping up sa controversial break up, lalo’t may bagong kaganapan sa buhay ng kanyang ex. Hindi yata matanggap ng aktres na masaya ang ex niya ngayon with his new love.

vuukle comment

ANNABELLE RAMA

BOSS VIC

CLOIE CONCEPCION

GABBY CONCEPCION

GARRIE CONCEPCION

GRACE IBUNA

JENNY SYQUIA

MR. VIC

RICHARD GUTIERREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with