^

PSN Showbiz

Kahit puyat at inuumaga ng uwi, Manny nagyayaya pa ring mag-Bible study!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK: Dumating na kahapon ng hapon ang mag-ina ni Alfred Vargas galing Italy.

Napagkasunduan na nilang mag-asawa na dito na muna sila at baka sa Holy Week o Christmas vacation sila babalik ng Italy para kasama na rin si Alfred at nang makapagbakasyon doon.

Nahihirapan na rin si Alfred kapag malayo sa kanya ang kanyang mag-iina dahil lagi niya itong nami-miss.

Ang susunod nilang aasikasuhin ay ang binyag ng pangalawa nilang baby girl. Itutuloy pa rin nila ang kanilang church wedding ngayong taon.

PAK: Totoo kayang dalawang babae at isang lalaki ang maiiwan sa top three ng Survivor Philippines: Celebrity Doubles?

Lalong umiinit ang labanan ngayon ng mga naiwang castaways at nakakagulat ang mga twist na nangyari sa isla.

Malakas ang bulung-bulungang si KC Montero ang magwawagi pero wala pang nakakaalam dahil hindi pa naman nababasa ang mga boto. At kung tiyak bang si KC ang lalaking maiiwan sa top three, abangan na lang natin!

BOOM: Marami na nga ang nagulat sa malaking pagbabago ngayon ni Rep. Manny Pacquiao.

Lagi silang magkasama ni Jinkee na nagsisimba at nagba-Bible study. Minsan kahit puyat at inuumaga ng taping sa Manny, Many Prizes ay nagyayaya pa raw itong mag-Bible study at nakikita naman nila na totoo si Manny sa ginagawa niya.

Malaking bagay si Jinkee sa pagbabago ni Pacman kaya masaya na rin ang huli dahil hinintay niyang dumating ang araw na ito.

vuukle comment

ALFRED VARGAS

CELEBRITY DOUBLES

DUMATING

HOLY WEEK

ITUTULOY

JINKEE

LAGI

MANY PRIZES

SURVIVOR PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with