^

PSN Showbiz

Kathryn binigyan ng tatlong lalaki!

- Veronica R. Samio -

Para siguro hindi naman madehado si Kathryn Bernardo dahil si Coco Martin ang ipinareha sa itinuturing na launching project ni Julia Montes bilang isang mature actress, tatlo ang magiging leading man ni Kathryn sa isa pang TV remake — sina Enrique Gil, Daniel Padilla, at Khalil Ramos. Ang magi­ging common denominator ng popular na tandem na sinisimulan nang bigyan ng kanya-kanyang project ng ABS-CBN ay si Jerry Sineneng na direktor nila pareho sa kanilang mga mature projects.

Ngayon pa lamang ay excited na ang mga manonood sa Walang Hanggan dahil sa kilig na ipinamamalas ng bagong tambalan nina Julia at Coco pero bitin sila sa animo’y kissing scene ng dalawa. Hindi sila sigurado kung natuloy ito into a full-blown kiss o talagang hanggang dun lang ang eksena.

Para hindi mapag-iwanan si Kathryn ng kanyang ka-tandem, for sure magkakaroon din ito ng mga ganung kilig na eksena. Ang kuwestiyon, pumayag din kaya itong mahalikan at sino sa tatlo ang mabibigyan ng ganun kagandang oportunidad?

Samantala, ipamamalas na naman ni Kathryn ang kanyang husay sa pag-arte sa Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado.

Bagama’t kinabahan siya nang malaman na ang makakasama niya sa episode ay ang magaling na si Phillip Salvador, his presence inspired and encouraged her na pagbutihin ang kanyang perfor­man­ce at ang resulta ay isang istorya na hindi makakalimutan ng manonood ng pinakamahabang drama anthology sa telebisyon.

Bossing Vic masaya sa pagbubuntis ni Pia

Baka kung wala pang love life nga­yon si Bossing Vic Sotto ay maapektuhan ito ng balitang five weeks pregnant ang kanyang ex na si Pia Guanio pero ang balitang relasyon nila ni Pauleen Luna will somehow provide a cushion para hindi gaanong mag-create ng impact ang ba­lita kay Pia at hindi siya gaanong mapagtuunan ng pansin ng mga manonood ng Eat Bulaga.

He can even rejoice for his ex para sa kanyang masayang marriage and pregnancy. Ang ikinasisiya ng mga viewers ng EB ay walang animosity bet­ween Vic and Pia matapos silang maghiwalay. Life seems to go on perfectly sa kanilang dalawa.

Acting ni Dingdong lamang nga kay ER

Hindi ako publicist ni Kris Aquino pero napano­od ko ang lahat ng entry sa Metro Manila Film Fes­tival (MMFF) 2011 at ang Segunda Mano niya ang isa sa dalawang pinakamagagandang festival entry. Hindi nakapagtataka kung habang nagtatagal ito sa mga sinehan ay dumarami ang nagkakainteres na panoorin ito.

Ang isa pa ay ang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story na talaga namang pagdating sa technical ay walang tatalo. Magaling si Gov. ER E­jer­cito pero maganda ang role ni Dingdong Dantes sa Segunda, talagang pang-award.

Patas lang sa akin ’yung performance nina Phillip Salvador sa Panday 2 at ni John Regala sa Asiong, kaya sinuman sa kanila ang manalo sa susunod na awards night ay okay lang sa akin.

I was fully entertained by Enteng ng Ina Mo kahit na dun sa isang sinehan sa SM North EDSA na pinanooran ko ay parang putul-putol ang pelikula. ’Katuwa na binigyan ng anggulong romansa sina Aiza Seguerra na panganay ni Enteng, at ang panlimang anak ni Tanging Ina, ang baklang si Pip na ginagampanan ni Alwyn Uytingco.

Sigurado na si Marvin Agustin sa kanyang estado bilang aktor kung kaya tumatanggap na siya ng supporting role.

Mas mahaba at maganda pa ang role sa kanya ni Faye na ginagampanan ni Gwen Zamora na blooming na blooming sa kabila ng pagkakaroon ng tatlong malalaki nang anak.

Short hair pinauso ni KC sa 2012

Mukhang nagsisimulang pausuhin ng mga artsita ang maikling buhok ngayong 2012. Una nang nagpagupit si KC Concepcion na sinasabing pangon­tra niya sa lungkot sa nadarama niya sa huling kaganapan sa kanyang love life.

Mas maikli na rin ang buhok ni Aiko Melendez na mas nauna kay KC na mamroblema sa puso. Ngayong bagong taon, sinabi niyang magdadahan-dahan muna siya sa pag-ibig. Sapat na ’yung pinagdaanan niya para hindi muna magtuon ng pansin sa kanyang affairs of heart.

Bagong gupit din ang buhok ni Francine Prieto nang nakita ko sa airport na may hilang maleta at mukhang paalis ng bansa. Mas bumata ito sa kanyang cropped hair. Hindi ko na siya kinausap kaya hindi ko nalaman ang sanhi ng kanyang pagpapagupit. Pero dahil kaya ito kay Bobby Yan?

vuukle comment

AIKO MELENDEZ

AIZA SEGUERRA

ALWYN UYTINGCO

ASIONG SALONGA STORY

BOBBY YAN

KANYANG

KATHRYN

PHILLIP SALVADOR

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with