^

PSN Showbiz

Matteo may bonggang pamasko kay Maja

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Hindi pa rin mamatay-matay ang isyu sa pagitan nina Matteo Guidicelli at Maja Salvador na diumano ay nagkahiwalay na dahil nagkaroon ng third party sa kanilang relasyon.

“Naku, ang tsismis ang dami-dami! Ngayon I guess it’s impossible to make iwas kasi we’re in showbiz. There are always going to be people that are going to talk, but we have faith and we trust in God and we communicate everyday. Everything is unified so ’yun,” pahayag ni Matteo.

Nilinaw din ng binata na walang katotohanan ang balitang lumabas na na-depress siya sa diumano’y hiwalayan nila ng aktres.

“Hindi. Lumabas na naman na hindi totoo ’yun. Hindi naman sa ganun, busy lang kasi. ’Tapos I was hospitalized for four days kasi I got food poisoning. Kaya parang may resistance went down but I’m okay. I’m getting better,” paliwanag ng aktor.

Nagpapasalamat si Matteo sa lahat ng tagahanga nila ni Maja dahil sa patuloy na pagsuporta sa kanilang dalawa kahit na nagkaroon pa sila ng problema noon.

“I guess they were just shocked noon. We’re good, me and Maja. You know every relationship has its little problems so normal naman ’yun ’di ba? We communicate a lot. We’re very honest with each other. We communicate straight. We don’t hide anything. We tell each other the truth all the time. Okay naman kami ni Maja. We’re good,” paliwanag ni Matteo.

Isang espesyal na regalo ang pinaghahandaang ibigay ang aktor kay Maja ngayong Pasko. “It’s a surprise na lang, basta surprise. Sana I can surprise her with something good,” natatawang sagot ng binata.

Coco first time gagawa ng love story

Masayang-masaya si Coco Martin dahil siya ang napiling gumanap sa role noon ni Richard Gomez sa pelikulang Hihintayin Kita sa Langit para sa bagong teleserye na Walang Hanggan. Si Julia Montes naman ang gaganap sa role ni Dawn Zulueta sa nasabing TV remake. Makakasama rin nina Coco at Julia sa kanilang serye sina Richard at Dawn kaya naman ngayon pa lamang ay excited na si Coco.

“Sobrang excited kami. Alam namin kung gaano namin pinaghirapan ’yung proyekto at bilang first time ko rin makakasama sina Mr. Richard Gomez, Ms. Dawn Zulueta, Ms. Susan Roces, at Ms. Helen Gamboa,” bungad ni Coco.

Pinaghahandaan na ng aktor ngayon pa lamang ang kanyang role para sa serye.

“Wala namang sobrang matinding preparation. Basta ang ginawa ko lang ’yung manood nang manood nang manood ng mga love stories noon. Ang sabi ko nga, panibagong challenge sa akin ito kasi first time ko gagawa talaga ng pure love story,” kuwento ni Coco.

Ayon pa sa aktor ay malaki talaga ang kaibahan nito sa kanyang mga dating ginawang proyekto.                                                                 

Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

COCO MARTIN

DAWN ZULUETA

HIHINTAYIN KITA

MAJA

MAJA SALVADOR

MATTEO

MATTEO GUIDICELLI

MR. RICHARD GOMEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with