^

PSN Showbiz

Annabelle Rama at Daisy Romualdez matindi na rin ang away

-

MANILA, Philippines - Isa pang inaabangan ng mga tsismoso sa showbiz ay ang magiging away ng dating magkaibigang sina Annabelle Rama at Daisy Romualdez.

Yup, matagal nang bulungan ang tungkol sa pagsabog ng kanilang away at umano’y si Daisy ang back up ni Nadia Montenegro sa mga kasong isinampa niya laban sa nanay ni Ruffa Gutierrez.

Gusto na rin kasing tanggalin ni Daisy kay Annabelle ang anak niyang si Danita Paner.

Ayon sa mga kuwento-kuwento, pera rin daw ang rason ng lahat.

Genelyn Magsaysay nawawala???

Burado na nga ang Facebook account ni Genelyn Magsaysay, ang ina ng pinatay na si Ramgen Revilla na suspek ang dalawa pang anak na sina RJ at Ramona.

Dati ay open ang nasabing account ni Genelyn. In fact, madalas siya doong maglabas ng sama ng loob. Pero nang i-check namin kagabi, wala na nga.

Kaya wala nang masyadong naririnig tungkol sa kanya. Bigla siyang nawala sa eksena matapos siyang magpa-presscon last week.

Sa Facebook siya unang nag-emote tungkol sa pera : “I need to work ASAP so i can have my own,i dont like to hear them saying im a parasite. before i met him im working already, now they are telling me im a parasite when the allowance that you are giving is not enough for monthly consumption. God is my witness, election is coming again then you will publisized that you love all your siblings, God knows what to do ,You want to be the president of the Phillipines , it’s up to the Lord,” sabi niya sa FB account niya bago pa man nangyari ang trahedya sa kanyang pamilya.

Pero nauna nang sinabi ni Sen. Bong Revilla, Jr. na maayos ang sistema ng sustento ng mga kapatid niya sa ama.

Anyway, lahat ng tao ay nagkakainteres sa development ng kaso dahil parang isa itong teleserye na sa TV lang napapanood.

Sumali pa ang Turkong asawa ni Ramona na ang hirap ng spelling ng pangalan at nag-dialogue pa na ‘no one can touch us.’

At tama naman ang sinabi ni ‘Nay Lolit Solis na imbes na awayin ni Genelyn si Sen. Bong, bakit hindi na lang sila makipag-usap para matulungan sila?

Nasa climax na ang story dahil pati ang nanay ay pinagpapaliwanag na sa mga nangyayari.

Masayang pasiyam...

Masaya ang ambiance sa pasiyam para kay Direk Boots Plata last Thursday night na ginanap sa Annabel’s restaurant.

Dumating ang maraming kaibigan ni Direk Boots at ng wife niyang talent manager na si Tita Dolor Guevarra.

Maraming kuwento si Tita Dolor tungkol kay Direk Boots. Like sabi raw nito, bulungan siya kung mamamatay na siya. So nakailang bulong na raw si Tita Dolor bago ito tuluyang namaalam sa kanila.

Prepared na pala sila sa pagpanaw nito dahil naibilin na nitong lahat ang gusto niyang mangyari.

Kaya naman maluwag sa loob ni Tita Dolor at ng kanyang dalawang anak ang nangyari kay Direk Boots.

Almost two weeks lang nag-stay sa hospital ang director bago namaalam last week.

Katabi nito sa hospital room ang isa pang director, ang ama ni Iza Calzado na si Lito Calzado na namatay na rin kahapon. (SVA)

vuukle comment

ANNABELLE RAMA

BONG REVILLA

BOOTS PLATA

DAISY ROMUALDEZ

DANITA PANER

DIREK BOOTS

DOLOR GUEVARRA

GENELYN

GENELYN MAGSAYSAY

TITA DOLOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with