^

PSN Showbiz

Cristine inuulan ng grasya

- Veronica R. Samio -

Kasabay ng malakas na buhos ng ulan, buhos din ang grasya ngayon kay Cristine Reyes!

Sa kasagsagan ng bagyo, parehong nagtagumpay ang kanyang pelikulang No Other Woman na humakot ng P100 million sa loob lamang ng limang araw at ang Kapamilya Gold teleserye niyang Repu­tasyon na magpasahanggang ngayon ay masugid na tinututukan ng sambayanan.

ShamCey pinuri ng Kongreso

Patuloy ang ginagawang pagkilala ng bansa sa naging achievement ni Shamcey Supsup sa Miss Universe beauty pageant na kung saan ay naging 3rd runner-up siya.

Kamakailan ay kinilala ng Kongreso ang kanyang naging panalo at pagbibigay karangalan sa bansa bilang kinatawan ng Pilipinas sa pinaka-prestihi­yosong paligsahan ng kagandahan sa buong mundo.

Toni tatrabahuHin Si Piolo!

Marami ang nakakaalala na naging malaking dahilan para makilala si Toni Gonzaga ay ang softdrink commercial niya na kasama si Piolo Pascual. Nang maging artista siya at mapunta sa Kapamilya ay inasahan niya itong makakapareha pero kay Sam Milby siya nai-tandem na tinanggap naman ng mga fans.

After 10 years in the business, ang pagsasama nila ng aktor has remained unfulfilled. Kaya ito ang pag­­su­sumikapan niyang mabigyang katuparan, may­be next year.

Samantala, kahit ano ang intrigang gawin para pag-awayin sila ng kanyang kapatid na si Alex Gon­zaga ay hindi nagtagumpay. Oo at naging mahalagang sangkap ng konsiyerto ni Toni ang kanyang kapatid na prinsesa sa kalabang istasyong TV5, pero this was all for the love of her sister. Hindi nag-effort si Alex na talbugan si Toni. She was there to support her. Period.

Martin excited kay Nora Aunor

Kung hindi pa siya nagpasyang gumawi sa TV5 baka hanggang ngayon ay struggling for recognition pa rin si Martin Escudero. Sa labas ng Kapuso Network, isang pelikula pa lang ang nagagawa niya, ang Zombadings: Patayin sa Syokot si Remington, pero agad nakakuha siya ng interes hindi lamang sa pagpayag niyang gumawa ng isang maselang eksena kasama ang isang kapwa niya artistang lalaki sa nasabing pelikula na pinilahan during its showing, kundi sa ipinamalas niyang propesyonalismo at husay sa pag-arte.

Dahil sa ipinamalas niyang kagalingan, kinuha siya ng Regal Entertainment, Inc. para gumanap sa Hototay for the Metro Manila Film Festival (MMFF) kasama ang Superstar na si Nora Aunor. Kung ang maraming kabataang artista ay intimidated o takot makasama si Nora, Martin is looking forward na makasama ito. Inaasahan niya na marami siyang matututunan sa magaling na aktres tungkol sa pag-arte. Inilagay din siya ng TV5 sa cast ng serye na tatampukan nina Lorna Tolentino at Alice Dixson, ang Glamorosa.

vuukle comment

ALEX GON

ALICE DIXSON

CRISTINE REYES

KAPAMILYA GOLD

KAPUSO NETWORK

KONGRESO

LORNA TOLENTINO

MARTIN ESCUDERO

NORA AUNOR

TONI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with