^

PSN Showbiz

Young actress na itinatago ang relasyon sa BF na bagets din, natunugang mabubuntis!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Binalaan ang young actor na ito na mag-iingat sila ng kanyang GF dahil malaki ang posibilidad na mabuntis niya ang nobyang young actress. Hindi manghuhula ang nagpayo sa actor, pero kaya niyang magbasa ng isip at future ng tao.

Ang nakakaloka nito, hindi inaamin ng dalawa ang kanilang almost one year relationship at tala­gang magugulat ang tao ‘pag bumulaga na lang ang young actress na dyontis at ang young actor ang salarin.

Nasaksihan namin up close ang young lovers at talaga namang sweet sila. Hindi matigil ang titigan kahit may kaharap na press at pasimple ang touching ng hands. Ang lakas ng attraction ng dalawa, mabuti’t binalaan ang binata para kumambyo at magdahan-dahan sa sweetness nila ng dyowa.

Maricel wala nang urungan sa gagawing pelikula

Natuloy last Sunday ang storycon ng Yesterday, Today, and Tomorrow at na-tweet ni Direk Jun Lana na maagang dumating si Maricel Soriano na magbabalik-pelikula sa entry ng Regal Entertainment sa MMFF.

Tinanggap din ni Dennis Trillo ang movie, hindi pinalitan ang original role niya, pero inayos para lalong gumanda. Alanganin ang actor noong una na gawin ang movie, pero dahil inayos ang konting problema, tuloy na rin siya.

Sina Solenn Heussaff at isang singer-actress ang makakapareha ni Dennis. Sabi, may bagong leading man si Lovi Poe at si Jericho Rosales yata ang tinutukoy. First team-up nila ito kung matutuloy.

’Di kayang layasan ang Kapuso ‘Hindi ako mukhang  pera’ – Paolo

Gaya ni Raymart Santiago, walang makitang rason si Paolo Contis para umalis sa GMA 7 at lumipat ng ibang network. Wala siyang reklamo dahil hindi siya nawawalan ng shows at kahit magtapos ang Futbolilits, may Manny Many Prizes pa siya at kasama sa Sundo dahil siya ang ni-request ni Dingdong Dantes na maging kontrabida sa bago nitong soap.

 “Kare-renew ko lang ng contract last August, saka Kapuso tayo. Ang hirap lumipat, may mga friendship na mahirap iwan. Saka, wala talaga akong reklamo sa work at hindi naman ako mukhang pera (ouch!)!”

‘Matagal nang nagyoyosi si Guy’ - Lolit

 ‘Katuwa ang sagot ni Lolit Solis sa tanong ng press kundi ba siya nagsasawa sa 16 years niya sa Startalk? Paano raw siya magsasawa, alok-bati lang ang ginagawa niya. Pero sabi ni Dondon Sermino na naging part dati ng show, sa meeting nila maraming suggestions at lumalabas ang idea nito na nagagamit sa show.

 “Ang na-realize ko ay kung gaano ako kabobo da­hil up to now hindi ko pa rin ma-memorize ang mga binabati ko at kailangan ko pa rin ng listahan. Nakakaloka rin na may mga nagpu-pullout sa mga binabati ko dahil hindi nila maintindihan. Mga p—a, mapipili. Hahaha!” reaction ni Lolit.

Ano ang reaction niya sa controversy sa Yes! cover ni Nora Aunor na naninigarilyo?

“Matagal nang nagyoyosi si Guy, anong masa­ma roon? Napaka-plastic natin. Masa-shock ako kung si Jillian Ward ang maninigarilyo, magre-react talaga ako. Ang daming artistang naninigarilyo, ‘no!”

vuukle comment

DENNIS TRILLO

DINGDONG DANTES

DONDON SERMINO

JERICHO ROSALES

JILLIAN WARD

JUN LANA

KAPUSO

LOLIT

LOLIT SOLIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with