Richard hindi mami-miss sa ere
MANILA, Philippines - Kasalukuyang wala sa bansa si Richard Gutierrez pero hindi siya mami-miss ng todo ng mga tagahanga dahil mapapanood ang aktor sa Anatomy of a Disaster. Ito ang eco-docu ng Kapuso Network na eere sa Linggo, Sept. 25, sa Sunday Night Box-Office.
Si Richard ang magho-host sa isang oras na programa tungkol sa masamang epekto ng kalamidad sa bayan. Sa Linggo, tututok ang episode na Takas sa Guho sa naganap na Feb. 17, 2006 landslide sa village na St. Bernard sa Leyte.
Nabura sa mapa ang lugar nang matabunan ng putik galing sa gumuhong lupa ng katabing bundok nang umulan ng malakas. At maraming pamilya ang nalibing ng buhay.
Ang Anatomy of a Disaster ay isang local adaptation ng kilalang international documentary.
- Latest